Aabot sa 34 na pamilya o katumbas ng 98 na indibidwal na apektado ng shearline ang natulungan ng Philippine Red Cross sa rehiyon ng Davao.
Batay sa ulat ng PRC Davao de Oro Chapter, nagmula ang mga nasagip nilang pamilya sa Barangay Magading sa bayan ng Nabunturan kung saan, dinala ang mga ito sa evacuation centers.
Agad namang namahagi ng pagkain ang PRC sa mga apektado at ibinigay din ang iba pa nilang mga pangangailangan.
Batay sa datos, nasa 1,000 pamilya sa Davao region ang nananatili sa mga evacuation center dahil sa nararanasang masamang lagay ng panahon.
Sa kasalukuyan, nakakalat pa rin ang Water Search and Rescue Team ng Red Cross sa Nabunturan para umalalay sa lokal na pamahalaan sa pagresponde sa posibleng paglikas. | ulat ni Jaymark Dagala
📷: Philippine Red Cross