Umabot na sa ₱105-milyong piso ang halaga ng pinsala dulot ng sama ng panahon dahil sa shear line sa CARAGA at Davao Region.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang ₱78.1-million ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura kung saan nasa 6,375 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang kabuhayan partikular sa Region 11 at CARAGA.
Samantala, sa imprastraktura naman umaabot na sa ₱27-million ang halaga ng pinsala kung saan 55 imprastraktura sa Region 11 ang nasira.
Nasa 569 naman na mga kabahayan ang nawasak dahil sa pagbaha at landslide kung saan 419 dito ang partially damaged habang 150 ang totally damaged. | ulat ni Leo Sarne