Naging maagap sa pagtugon ang buong pwersa ng pulisya kaya nakontrol ang sitwasyon sa ikinasang transport caravan ng Manibela at Piston kahapon, Enero 16, 2024.
Ayon sa QCPD, mabisa ang ipinatupad nitong ‘proactive measures’ upang masiguro ang ligtas at mapayapang kilos-protesta ng transport group.
Kasama sa idineploy ng QCPD ang pwersa ng La Loma Police Station (PS 1), Galas Police Station (PS 11), at District Headquarters na tumulong rin sa pagmamando ng trapiko sa mga dinaanang lugar ng grupo kabilang ang Welcome Rotonda.
“Thorough briefings and debriefings for the deployed personnel were conducted ensuring comprehensive oversight of the event and facilitating the smooth flow of traffic.“
Dahil na rin aniya sa maayos na kolaborasyon sa city traffic enforcers, maayos na nagtapos ang programa ng transport group bandang 1:50 ng madaling araw na walang anumang naitatalang ‘untoward incident’.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman si QCPD Director, PBGen. Redrico A. Maranan sa naging kooperasyon ng publiko sa law enforcement personnel at traffic enforcers.
“Their adherence to safety guidelines significantly contributed in creating a safe and secure environment for everyone involved in the Manibela-Transport event.“ | ulat ni Merry Ann Bastasa