Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Vice President Sara Duterte sa naulilang pamilya ng mga nasawi matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Purok 20, Mt. Diwata sa bayan ng Monkayo, Davao de Oro.
Sa kaniyang social media post, ibinahagi ng Pangalawang Pangulo ang labis na pagkalungkot dahil sa kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima.
Doon, taimtim na nakinig si VP Sara sa salaysay ng mga naulilang pamilya gayundin ang kanilang paghihinagpis at mga suliraning kinahaharap.
Umaasa ang Pangalawang Pangulo na hindi na maulit ang pangyayari kaya’t pinaalalahanan nito ang Lokal na Pamahalaan maging ang mga residente sa lugar na agad umaksyon sakaling bumuhos ang malakas na ulan.
Binigyang-diin pa ni VP Sara ang kahalagahan ng pre-emptive evacuation lalo na sa mga nakatira sa hazard prone areas dahil mas mahalaga ang pangangalaga sa buhay at kapakanan ng bawat tao. | ulat ni Jaymark Dagala