Pagsusulong sa karapatan na ihayag ang opinyon at saloobin, kabilang sa mga natalakay ng mga mambabatas at UN Special Rapporteur Irene Khan

Sumentro sa pagsusulong ng proteksyon ng right to freedom of opinion at expression sa bansa ang pulong ng mga mambabatas sa pangunguna ni Zamboanga del Norte Rep. Glona Labadlabad, chair ng committee on inter-parliamentary relations and diplomacy, kasama si United Nations Special Rapporteur (UNSR) Irene Khan. Ayon kay Labadlabad, isang ‘pivotal moment’ ito para sa… Continue reading Pagsusulong sa karapatan na ihayag ang opinyon at saloobin, kabilang sa mga natalakay ng mga mambabatas at UN Special Rapporteur Irene Khan

Isang modern jeepney, sinunog ng armadong grupo sa Catanauan, Quezon

Hinarang at sinunog ng hindi pa nakikilalang armadong grupo ang isang modern jeepney sa Barangay Dahican, Catanauan, Quezon kagabi. Sa ulat ng Catanauan Municipal Police Station na nakarating sa Camp Crame, hinarang ng apat na armadong suspek ang naturang jeepney habang bumibiyahe sa national highway bandang alas-7 kagabi, at pinababa ang drayber nito na si… Continue reading Isang modern jeepney, sinunog ng armadong grupo sa Catanauan, Quezon

DSWD, tiniyak ang tulong sa mga magsasakang apektado ng El Niño

Siniguro ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aayudahan nito ang mga magsasaka na apektado ng El Niño. Kasunod ito ng ulat ng DA na may higit 2,000 magsasaka na sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula ang nasiraan ng pananim dahil sa tagtuyot. Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez, prayoridad ng… Continue reading DSWD, tiniyak ang tulong sa mga magsasakang apektado ng El Niño

Suporta ng Sweden sa AFP Modernization program, tinalakay ng mga opisyal

Nakipagpulong si Department of National Defense (DND) Senior Undersecretary Irineo C. Espino kay Swedish State Secretary for Foreign Affairs H.E. Jan Knutsson sa pagbisita ng huli sa punong tanggapan ng DND. Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, kabilang sa mga natalakay ang implementasyon ng Memorandum of Understanding concerning Cooperation in the Acquisition of Defense Materiel, mga… Continue reading Suporta ng Sweden sa AFP Modernization program, tinalakay ng mga opisyal

Liderato ng Kamara, pinuri ang Senado sa nakatakdang pagtalakay ng RBH6

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang nakatakdang pagtalakay ng Senado sa Resolution of Both Houses No. 6 (RBH6) sa susunod na linggo. “We are heartened by the news that the Senate, finally, will commence hearings on Resolution of Both Houses 6 next week. This marks a significant step towards the much-awaited constitutional amendments,” ani… Continue reading Liderato ng Kamara, pinuri ang Senado sa nakatakdang pagtalakay ng RBH6

ACG, pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa cyber identity theft

Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) Director Police Major General Sydney Sultan Hernia ang publiko na mag-ingat sa pagbibigay ng personal na impormasyon online, o pag-click ng mga hindi kilalang link, para makaiwas na maging biktima ng cyber identity theft. Ito ay sa gitna ng naitala ng ACG na pagtaas ng kaso… Continue reading ACG, pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa cyber identity theft

DSWD, nagsagawa ng impact assessment sa mga pamilyang benepisyaryo ng ECT sa Sarangani

Nag-deploy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng disaster team sa Glan, Sarangani para suriin ang lagay ng mga residenteng naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol sa lalawigan noong Nobyembre ng 2023. Pinangunahan ni DSWD Assistant Bureau Director Rey Martija ng Central Office’s Disaster Response Management Bureau (DRMB) kasama ang mga tauhan ng… Continue reading DSWD, nagsagawa ng impact assessment sa mga pamilyang benepisyaryo ng ECT sa Sarangani

Buwanang Kadiwa ng Pangulo, pormal nang inilunsad sa Ozamiz City, Misamis Occidental

Pormal nang inilunsad ang buwanang Kadiwa ng Pangulo noong Enero 30, sa Asenso Ozamiz Wellness Park, lungsod ng Ozamiz, Misamis Occidental. Pinangunahan ito ng Department of Agriculture katuwang ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Ozamiz at iba pang mga ahensya ng gobyerno. Ang KADIWA o “Katuwang sa Diwa at Gawa Para sa Masaganang Ani… Continue reading Buwanang Kadiwa ng Pangulo, pormal nang inilunsad sa Ozamiz City, Misamis Occidental

Suspensyon ng klase at WFH arrangement patuloy na ipinapatupad sa Davao City

Patuloy na ipinapatupad ang suspensyon ng klase sa Davao City at maging sa Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte dulot ng nararanasang trough of low pressure area o LPA. Nasa work from home arrangement din ang mga empleyado ng gubyerno at maging ang ibang nasa pribadong kumpanya. Sa ngayon, nararanasan pa rin… Continue reading Suspensyon ng klase at WFH arrangement patuloy na ipinapatupad sa Davao City

Natamong 5.6% full-year growth noong 2023, nagresulta sa pagbaba ng debt-to-GDP ratio ng Pilipinas

Kasunod ng natamong 5.6 percent full year 2023 Gross Domestic Product (GDP) growth, bumaba ang debt-to GDP ratio ng Pilipinas. Ayon sa Department of Finance (DOF), nagresulta ang 2023 growth sa 60.2 percent na debt-to-GDP ratio, mas mababa sa 60.9 percent na naitala noong 2022. Mas mababa din nito ang 61.2  percent na Medium Term… Continue reading Natamong 5.6% full-year growth noong 2023, nagresulta sa pagbaba ng debt-to-GDP ratio ng Pilipinas