Drug personality na nauugnay sa Fajardo Robbery Group sa Batangas, naaresto ng QCPD

Nahuli ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang drug personality na nauugnay sa Fajardo Robbery Group sa Batangas. Ayon kay QCPD Director PBGen Redrico Maranan, naaresto si Zoren Almazan at kasamahan niyang si Herbert Gagalang sa isinagawang anti-illegal drug at anti-crime operations sa IBP Road, Barangay Batasan Hills, Quezon City. Nabawi sa kanila ang… Continue reading Drug personality na nauugnay sa Fajardo Robbery Group sa Batangas, naaresto ng QCPD

DMW at CICC, lumagda ng MOA para sa cybersafety ng OFWs

Magkatuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) upang pagsamahin ang kanilang mga pagsisikap para sa cybersafety ng mga overseas filipino worker (OFW). Ang joint signing ay dinaluhan ni Migrant Workers (DMW) OIC Hans Leo Cacdac at Undersecretary Alexander Ramos, Executive… Continue reading DMW at CICC, lumagda ng MOA para sa cybersafety ng OFWs

Iloilo Solon, nanawagan sa DOT na palakasin ang mga inisyatibang magsusulong sa turismo ng bansa

Hinimok ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang Department of Tourism (DOT) at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno na magpatupad ng mga inisyatibang magpapalakas ng industriya ng turismo. Ginawa ni Garin ang panawagan matapos magkaroon ng mutual agreement ang China sa pagitan ng Thailand, Singapore at Malaysia na i-waive ang kanilang visa requirements.… Continue reading Iloilo Solon, nanawagan sa DOT na palakasin ang mga inisyatibang magsusulong sa turismo ng bansa

DTI, NIA AT DA, nagkaroon ng partnership para sa pagpapalakas ng rice competitiveness ng lokal na bigas sa bansa

Alinsunod sa bisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang food security, lumagda ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) sa isang memorandum of understanding (MOU) upang magtatag ng cooperation measures sa pagbuo at implementasyon ng Integrated Rice Supply Chain Development Program. Sinabi ni Trade… Continue reading DTI, NIA AT DA, nagkaroon ng partnership para sa pagpapalakas ng rice competitiveness ng lokal na bigas sa bansa

PCA, ipupursige na makapagtanim ng 8.5-M puno ng niyog ngayong taon

Target ng Philippine Coconut Authority (PCA) na makapagtanim ng hindi bababa sa 8.5 milyong puno ng niyog ngayong taon sa ilalim ng Massive Coconut Planting and Replanting Project. Ito’y alinsunod sa commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makapagtanim ng 100 milyong puno ng niyog hanggang 2028. Ayon kay PCA Administrator Bernie Cruz, inaalam… Continue reading PCA, ipupursige na makapagtanim ng 8.5-M puno ng niyog ngayong taon

Millennium Challenge Corp. (MCC) ng Estados Unidos, kinilala ang mga oportunidad sa Pilipinas

Kinilala ng Millenium Challenge Corporation o MCC ng Estados Unidos ang mga oportunidad sa Pilipinas kaya anila nararapat ito sa tulong ng organisasyon. Ayon kay MCC Chief Executive Officer Alice Albright, base sa kanilang datos, kahanga-hanga ang mga development sa bansa kaya karapat-dapat lamang ito sa mga programang pang-ayuda. Maaalalang kamakailan ay nagpulong ang MCC… Continue reading Millennium Challenge Corp. (MCC) ng Estados Unidos, kinilala ang mga oportunidad sa Pilipinas

Resolusyon tungkol sa magkahiwalay na pagboto ng Senado at Kamara sa pag-amyenda ng saligang batas, inihain ni Sen. Robin Padilla

Naghain si Senador Robin Padilla ng isang resolusyon na layong linawin ang magkahiwalay na pagboto ng Senado at Kamara sa pag-amyenda ng saligang batas ng Pilipinas. Sa Resolution of Both Houses No. 7 ni Padilla, aamyendahan ang Section 1 ng Article XVII (Amendments or Revisions) sa Saligang Batas para sa hiwalay na pagboto. Paliwanag ng… Continue reading Resolusyon tungkol sa magkahiwalay na pagboto ng Senado at Kamara sa pag-amyenda ng saligang batas, inihain ni Sen. Robin Padilla

2 NPA, patay matapos maka-engkuwentro ng militar sa Masbate

Nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng mga tropa ng Philippine Army matapos maka-engkwentro ang humigit kumulang sa 10 miyembro ng New People’s Army sa Masbate. Ayon kay Philippine Army Spokesperson, Col. Louie Dema-ala, nangyari ang engkuwentro sa Brgy. Tuburan sa bayan ng Cawayan kung saan, 2 rebelde ang napatay. Pawang mga miyembro aniya ng Platoon… Continue reading 2 NPA, patay matapos maka-engkuwentro ng militar sa Masbate

Mindanao Solon, naghain ng panukalang batas na papayagan ang mga GSIS members na pumili ng kanilang benepisyaryo

Naghain ng panukalang batas si Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na naglalayong payagan ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) na makapagtalaga ng kanilang napiling benepisyaryo. Sa ilalim ng House Bill 9792 “An Act Amending Presidential Decree No. 1146 as amended by RA GSIS Act of 1997, Layon ng panukalang batas… Continue reading Mindanao Solon, naghain ng panukalang batas na papayagan ang mga GSIS members na pumili ng kanilang benepisyaryo

Mga presidential appointee na naluklok sa pwesto bago ang February 1, 2023, pinagsu-sumite ng updated na PDS at clearances

Inatasan ng Malacañang ang mga presidential appointee na naluklok sa pwesto bago ang February 1, 2023 na isumite ang kanilang updated na Personal Data Sheet (PDS) at clearances mula sa National Bureau of Investigation (NBI), Civil Service Commission (CSC), Office of the Ombudsman, at Sandiganbayan. Ito ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil ay… Continue reading Mga presidential appointee na naluklok sa pwesto bago ang February 1, 2023, pinagsu-sumite ng updated na PDS at clearances