Chinatown Heritage Tour, tampok sa Chinese New Year celebration sa QC

Mas pinalawak ng Quezon City local government ang mga programa at aktibidad nito para sa selebrasyon ng 2024 Chinese New Year sa lungsod. Ayon kay QC Tourism Department Head Maria Teresa Tirona, tatlong araw na ipagdiriwang sa lungsod ang Chinese New Year mula Feb 9-11, 2024. Kasama sa bagong aktibidad ngayong taon ang kauna-unahang QC… Continue reading Chinatown Heritage Tour, tampok sa Chinese New Year celebration sa QC

P35million na halaga ng tulong, agad ikinasa ni Speaker Romualdez para sa mga nasunugan sa Palawan

Agad umaksyon ang tanggapan ng House Speaker para makapagpalabas ng P35million na halaga ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Palawan. Bilang legislative caretaker ng congressional district ng namayapang Rep. Edward Hagedorn, inendorso ni Speaker Martin Romualdez ang mobilization ng pondo para tulungan ang nasa 920 na pamilya mula Barangay Pagkakaisa at Bagong Silang… Continue reading P35million na halaga ng tulong, agad ikinasa ni Speaker Romualdez para sa mga nasunugan sa Palawan

PAF, naghatid ng relief supplies sa munisipyong lubhang naapektuhan ng kalamidad sa Davao de Oro

Nag-deploy ang Philippine Air Force ng dalawang helicopter para maghatid ng relief supplies sa munispyong lubhang apektado ng kalamidad sa Davao de Oro. Ayon kay Air Force Public Affairs Office Chief Col. Ma Consuelo Castillo, gamit ang kanilang dalawang Bell 412 CUH helicopter, naisakatuparan ng PAF ang transportasyon ng 800 sako ng relief goods sa… Continue reading PAF, naghatid ng relief supplies sa munisipyong lubhang naapektuhan ng kalamidad sa Davao de Oro

Nasa P280-M halaga ng farm machinery, nakatakdang ipamahagi sa mga grupo ng magsasaka sa Palawan

Mahigit sa P280 milyong halaga ng farm machinery ang nakatakdang ipamahagi ngayon araw para sa mga farmer cooperatives and associations mula sa iba’t-ibang mga munisipyo sa Palawan. Isasagawa ang turnover sa pamamagitan ng isang programa na ginaganap ngayon sa gymnasium ng bayan ng Narra, Palawan. Kabilang sa mga benepisyaryo nito ay ang 50 grupo ng… Continue reading Nasa P280-M halaga ng farm machinery, nakatakdang ipamahagi sa mga grupo ng magsasaka sa Palawan

Pangulong Marcos Jr., pinabibilisan ang mga nakalinyang water supply projects sa bansa

Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatapos ng lahat ng water projects sa buong bansa. Binigyang diin ito ng Chief Executive sa kanyang naging mensahe sa isinagawang pagbubukas ng Davao City Bulk Water Supply Project kung saan ay binanggit nito ang pangangailangang matugunan ang ang ‘water security’. Ayon sa Pangulo, iba na ang… Continue reading Pangulong Marcos Jr., pinabibilisan ang mga nakalinyang water supply projects sa bansa

OST Tayabas Heritage Group, umaapela ng suporta upang isalba ang Lavares-Labios ancestral house laban sa SLEX-TR4 project

Umaapela ng suporta sa publiko ang Oplan Sagip Tulay o OST Tayabas Heritage Group Incorporated upang maisalba ang Lavares-Labios Ancestral House laban sa napipintong konstruksyon ng South Luzon Expressway Toll Road 4 o SLEX-TR4 project. Ayon sa pabatid ng grupo, ang nasabing ancestral house na matatagpuan sa Brgy. Calumpang, Tayabas City, ay pagmamay-ari ng mag-asawang… Continue reading OST Tayabas Heritage Group, umaapela ng suporta upang isalba ang Lavares-Labios ancestral house laban sa SLEX-TR4 project

Rescue Ops ng EastMinCom sa mga biktima ng landslide sa Davao de Oro, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ngayong araw ang rescue operations ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) para sa nalalabing 41 empleyado ng APEX mining mula sa 86 na inisyal na iniulat na na-trap sa landslide kagabi sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro. Iniulat ni Col. Rosa Ma. Cristina Rosete-Manuel, tagapagsalita ng EastMinCom na may radio contact na sa apektadong… Continue reading Rescue Ops ng EastMinCom sa mga biktima ng landslide sa Davao de Oro, nagpapatuloy

Paglikha ng mas maraming trabaho, palalakasin pa ng Pamahalaan matapos makapagtala ng pinakamababang bilang ng mga walang trabaho

Welcome para sa National Economic and Development Authority o NEDA ang lumabas na labor force survey ng Philippine Statistics Authority o PSA. Ito’y makaraang makapagtala ang PSA ng 3.1 percent na unemployment rate nitong Disyembre 2023 kumpara sa 4.3 percent na naitala sa kaparehong panahon noong 2022. Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, patunay lamang… Continue reading Paglikha ng mas maraming trabaho, palalakasin pa ng Pamahalaan matapos makapagtala ng pinakamababang bilang ng mga walang trabaho

Sewage Treatment Plant ng Maynilad sa Valenzuela, operational na

Sinimulan na ng Maynilad Water ang inisyal na operasyon ng bagong gawang Sewage Treatment Plant (STP) sa Marulas, Valenzuela. Ang treatment plant na ito ang lilinis sa wastewater ng 300,000 customers mula sa siyam na barangay ng Valenzuela City. Ayon sa Maynilad, sa ganitong paraan ay mas maituturing nang ligtas ang pinapakawalan nitong tubig. Ang… Continue reading Sewage Treatment Plant ng Maynilad sa Valenzuela, operational na

45 empleyado ng APEX mining nailigtas mula sa landslide sa Davao de Oro

Matagumpay na nailigtas ng rescue teams ang 45 biktima mula sa 86 na empleyado ng APEX mining na inisyal na iniulat na na-trap ng landslide na naganap kagabi sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro. Ayon kay Col. Rosa Ma. Cristina Manuel tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom), 3 sa mga naligtas ang nasa kritikal… Continue reading 45 empleyado ng APEX mining nailigtas mula sa landslide sa Davao de Oro