28 RoRe mission ng AFP, naisagawa sa West Philippine Sea sa kabila ng presensya ng China

This photo taken on May 14, 2019, a Philippine coast guard ship (R) sails past a Chinese coastguard ship during an joint search and rescue exercise between Philippine and US coastguards near Scarborough shoal, in the South China Sea. - Two Philippine coastguard ships, BRP Batangas and Kalanggaman and US coastguard cutter Bertholf participated in the exercise. (Photo by TED ALJIBE / AFP)

Matagumpay na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang hindi bababa sa 28 Rotation and Re-supply o RoRe mission nito sa West Philippine Sea noong nakalipas na taon. Ito’y ayon sa AFP ay sa kabila na rin ng presensya ng mga barko ng China sa iba’t-ibang dako ng nabanggit na karagatan. Ayon… Continue reading 28 RoRe mission ng AFP, naisagawa sa West Philippine Sea sa kabila ng presensya ng China

37 tsuper sa lalawigan ng Quirino, tumanggap ng pangkabuhayan mula sa DOLE

Natanggap na ng 37 tsuper mula sa lalawigan ng Quirino ang kanilang livelihood starter kits mula sa DOLE na bahagi ng ayuda na ibinibigay sa mga driver na naapektuhan ng Public Utility Vehicle Modernization (PUVM) Program. Ang mga benepisyaryo ay mula sa mga bayan ng Aglipay, Cabaroguis, Diffun at Maddela. Sa ilalim ng  EnTSUPERneur livelihood… Continue reading 37 tsuper sa lalawigan ng Quirino, tumanggap ng pangkabuhayan mula sa DOLE

Mga mambabatas, humirit sa MMDA na i-exempt sa number coding ang mga senior citizen

Humirit ang ilang mambabatas sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na i-exempt na ang mga senior citizen mula sa umiiral na “number coding scheme.” Sa joint hearing ng House Committees on Ways and Means, Senior Citizens, at PWDs, natanong ni Albay Representative Joey Salceda kung may “coding privileges” ba ang senior citizens. Ani Atty. Joseph… Continue reading Mga mambabatas, humirit sa MMDA na i-exempt sa number coding ang mga senior citizen

DSWD, namahagi ng cash aid sa mga naapektuhan ng shear line sa Davao del Norte

Nagsimula nang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash aid sa mga pamilyang naapektuhan ng mga pag-ulang dulot ng shear line. Pinangunahan ng mga tauhan ng DSWD XI-Davao Region ang distribusyon ng ayuda sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer (ECT), sa 500 pamilya mula sa Barangay Cabayangan sa Braulio E. Dujali,… Continue reading DSWD, namahagi ng cash aid sa mga naapektuhan ng shear line sa Davao del Norte

Higit 1,700 indibidwal, natulungan ng DSWD sa ilalim ng Oplan Pag-abot

Sumampa na sa 1,798 indibidwal na naninirahan sa lansangan sa National Capital Region (NCR) ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng programa nitong Oplan Pag-Abot. Ayon sa DSWD, 189 sa mga ito ay nabigyan ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program… Continue reading Higit 1,700 indibidwal, natulungan ng DSWD sa ilalim ng Oplan Pag-abot

Presyo ng sibuyas sa Pasig City Mega Market, bumaba pa; presyo ng kamatis, bahagyang tumaas

Tiwala ang mga nagtitinda ng gulay sa Pasig City Mega Market na patuloy pang bababa ang presyo ng ilang gulay gaya na lamang ng sibuyas. Ayon sa ilang maggugulay, ito’y dahil sa dami ng suplay ng sibuyas na ibinabagsak sa pamilihan. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱80 hanggang ₱90 ang kada kilo ng… Continue reading Presyo ng sibuyas sa Pasig City Mega Market, bumaba pa; presyo ng kamatis, bahagyang tumaas

MRT-3, may libreng sakay ngayong anibersaryo ng DOTr

May alok na libreng sakay ang MRT-3 ngayong araw para sa mga pasahero. Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Department of Transportation (DOTr). Maaaring i-avail ang libreng sakay sa peak hours ng operasyon ng linya mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM, at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM ngayong araw. Ayon… Continue reading MRT-3, may libreng sakay ngayong anibersaryo ng DOTr

TESDA Lingap Serbisyo Caravan, ginanap sa La Union; higit sa 200 mag-aaral, nakatanggap ng training support fund

Inilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang TESDA Lingap Serbisyo Caravan sa Lalawigan ng La Union kahapon, Pebrero 6. Itinampok sa caravan ang iba’t ibang booth na nag-aalok ng locally-made products at skills demonstration tulad ng pagmamasahe, cardio-pulmonary resuscitation (CPR), woodcarving, silk weaving, hydroponics at aquaponics, plant grafting at iba pa. Bahagi… Continue reading TESDA Lingap Serbisyo Caravan, ginanap sa La Union; higit sa 200 mag-aaral, nakatanggap ng training support fund

National Cybersecurity Plan, aprubado na ni Pres. Marcos Jr. — DICT

Inanunsyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-adopt sa National Cybersecurity Plan (NCSP) 2024-2028. Ayon sa DICT, layon ng NCSP na makabuo ng isang matatag, maaasahan, at ligtas na cyberspace para sa bawat Pilipino. Inaasahang nakapaloob dito ang ilang inisyatibo para protektahan ang… Continue reading National Cybersecurity Plan, aprubado na ni Pres. Marcos Jr. — DICT

Higit 48,000 indibidwal, nananatili pa rin sa evacuation centers bunsod ng epekto ng trough ng LPA

Malaki pa rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng trough ng Low Pressure Area (LPA). Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroon pang higit sa 12,000 pamilya o katumbas ng higit 48,816 indibidwal ang nananatili sa higit 196 evacuation centers. Karamihan sa mga ito ay… Continue reading Higit 48,000 indibidwal, nananatili pa rin sa evacuation centers bunsod ng epekto ng trough ng LPA