Panukalang dagdag P100 sa sweldo ng private sector workers, tatalakayin na sa plenaryo ng Senado

Nakatakda nang pagdebatehan sa plenaryo ng Senado ang panukalang dagdag na P100 na daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong Pilipinas. Ito ay matapos ipresinta ni Senate Committee on Labor Chairperson Senador Jinggoy Estrada ang Senate Bill 2534. Ipinaliwanag ni Estrada, na mula sa orihinal na panukalang dagdag P150 sa arawang-sahod… Continue reading Panukalang dagdag P100 sa sweldo ng private sector workers, tatalakayin na sa plenaryo ng Senado

VP Sara Duterte, nagpaalala sa kahalagahan ng paghahanda sa mga kalamidad at sakuna

Muling nagpaalala si Vice President Sara Duterte sa kahalagahan ng paghahanda sa mga kalamidad at sakuna na maaaring tumama sa ating bansa. Ito ay inihayag ng Pangalawang Pangulo matapos na dumalo sa situation briefing kaugnay sa nangyaring mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao Region kahapon, na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.… Continue reading VP Sara Duterte, nagpaalala sa kahalagahan ng paghahanda sa mga kalamidad at sakuna

DSWD, magbibigay ng ayuda sa mga biktima ng landslide sa Davao de Oro

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ayuda sa mga biktima ng landslide sa Maco, Davao de Oro. Ayon kay DSWD Spox Romel Lopez, makakaasa ang lahat ng naapektuhan gayundin ang kaanak ng mga nasawi sa tulong ng pamahalaan. Nasa P5,000 aniya ang ilalaan sa bawat nasugatan habang P10,000 naman ang ayuda… Continue reading DSWD, magbibigay ng ayuda sa mga biktima ng landslide sa Davao de Oro

Canadian Embassy Officials, tinalakay sa mga miyembro ng kapulungan ang kanilang “Indo-Pacific Strategy”

Tinalakay ni Canadian Ambassador to the Philippines, David Hartman at iba pang opisyales ng Canadian Embassy ang Indo-Pacific Strategy nito sa harap ng ilang mga mambabatas. Ayon kay House Committee on Foreign Affairs Chairperson at Pangasinan Rep. Maria Rachel Arenas, mahalaga ang ginawang briefing ng Canadian Embassy sa Kamara dahil kinikilala nito ang importanteng papel… Continue reading Canadian Embassy Officials, tinalakay sa mga miyembro ng kapulungan ang kanilang “Indo-Pacific Strategy”

Mga natulungan sa ilalim ng Oplan Pag-Abot, umabot na sa 1,800

Sumampa na sa 1,805 indibidwal na nagpalaboy sa mga lansangan sa NCR ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Oplan Pag-Abot. Ayon kay DSWD Social Technology Bureau Division Chief Marilyn Moral, umabot na sa 321 ng mga naabot na pamilya at indibdiwal sa lansangan ay nabigyan na ng ayuda… Continue reading Mga natulungan sa ilalim ng Oplan Pag-Abot, umabot na sa 1,800

Pagsabay ng cybersecurity ng Pilipinas sa ibang bansa, tinututukan na ng administrasyong Marcos

Photo from Presidential Communications Office

Sisiguruhin ng administrasyong Marcos na nakikipagsabayan ang cybersecurity posture ng Pilipinas sa ibang mga bansa. Pahayag ito ni DICT Secretary Ivan John Uy makaraang ilatag kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Cybersecurity Plan 2024 – 2028. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ng kalihim na lalamanin ng komprehensibong plano na ito ang pag-develop… Continue reading Pagsabay ng cybersecurity ng Pilipinas sa ibang bansa, tinututukan na ng administrasyong Marcos

World Bank, kumpiyansa sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas

Kumpiyansa ang World Bank sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas at inaasahan na mananatili itong malakas sa medium term. Sa naging pulong ni Finance Secretary Ralph Recto, sinabi ng World Bank na dahil ito sa patuloy na mga reporma, mataas na demand para sa mga produkto at serbisyo sa lahat ng sektor, sapat na pagkakataon… Continue reading World Bank, kumpiyansa sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas

GSIS, nananatiling pinakamalaking non-life insurer sa bansa

Nanatiling pinakamalaking non-life insurer sa bansa ang Government Service Insurance System o GSIS sa bansa matapos na makapagtala ng malaking bilang ng mga nagpapa-insure na government agencies ng kanilang assets. Kung saan umabot na sa mahigit ₱50.15-billion ang total net worth ng mga ahensya ng pamahalaan na nagpa-insure sa GSIS. Ayon kay GSIS President and… Continue reading GSIS, nananatiling pinakamalaking non-life insurer sa bansa

MERALCO, may dagdag singil ngayong Pebrero

Inanunsyo ngayon ng Manila Electric Company (MERALCO) na magpapatupad sila ng dagdag singil sa kuryente ngayong buwan. Batay sa abiso ng MERALCO, 57 sentimos kada kilowatt hour ang itataas sa monthly bill ng mga customer nito. Katumbas iyan ng P115 na dagdag singil para sa mga kumokonsumo ng 200kwh. Habang P287 naman ang dagdag singil… Continue reading MERALCO, may dagdag singil ngayong Pebrero

Mas malalim na imbestigasyon sa pagkakadawit ng sikat na film direktor sa pagsunog ng modern jeepney, tiniyak ng PNP

Tiniyak ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na hindi pa tapos ang imbestigasyon ng PNP sa pagkakadawit ng Film Director Jade Castro at 3 kasama nito sa panununog ng modern jeepney sa Catanauan, Quezon province noong nakaraang linggo. Ayon kay Fajardo, bumuo na ng Special Task Force ang Quezon Provincial Police… Continue reading Mas malalim na imbestigasyon sa pagkakadawit ng sikat na film direktor sa pagsunog ng modern jeepney, tiniyak ng PNP