Mambabatas, pinayuhan ang mga ahensya ng gobyerno na huwag sayangin ang nakamit na mababang inflation at unemployment rate

Kaisa si Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred delos Santos sa mga nalulugod sa magandang datos tungkol sa pagbagal ng inflation at pagbaba ng unemployment at underemployment sa buong bansa. Aniya, ang mga datos na ito ay patotoo sa masiglang ekonomiya ng bansa na ramdam hanggang sa mga probinsya. Sabi ni delos Santos, magandang simula ito… Continue reading Mambabatas, pinayuhan ang mga ahensya ng gobyerno na huwag sayangin ang nakamit na mababang inflation at unemployment rate

Pinamakataas na employment rate na naitala mula 2005, ipinapakita ang tiwala ng private sector sa administrasyong Marcos Jr.

Naibalik na ang tiwala ng pribadong sektor na makipagtulungan sa pamahalaan. Patunay dito ang naitalang 96.8 percent employment rate para sa buwan ng Disyembre 2023. Pinakamataas na employment rate ito na naitala sa bansa mula noong 2005. Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, maliban sa kinukumpirma nito na ang Pilipinas nga ang… Continue reading Pinamakataas na employment rate na naitala mula 2005, ipinapakita ang tiwala ng private sector sa administrasyong Marcos Jr.

Speaker Romualdez, Tingog Party-list Rep. Yedda Romualdez kabilang sa mga gov’t officials na kinilala bilang Outstanding Public Servant Year 2023 ng survey group na RPMD

Iginawad ng independent at non-commissioned survey group na RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD Foundation Inc.) ang “Outstanding Public Servant Year 2023” award kay House Speaker Martin Romualdez at Tingog Partylist Representative Yedda Romualdez. Personal na iniabot ng Board members ng RPMD ang parangal sa House Speaker. “I am profoundly honored and deeply grateful to… Continue reading Speaker Romualdez, Tingog Party-list Rep. Yedda Romualdez kabilang sa mga gov’t officials na kinilala bilang Outstanding Public Servant Year 2023 ng survey group na RPMD

China, nakikipag-ugnayan na sa Pilipinas, kaugnay ng hacking attempts ng China-based hackers sa ilang gov’t websites

Nagpahayag na ang China ng kahandaang tumulong sa ginagawang imbestigasyon ng Pilipinas hinggil sa pinakahuling hacking attempts sa ilang website ng pamahalaan. Pahayag ito ni DICT Secretary John Ivan Uy, kasunod ng napaulat na ilang China-based hackers ang nagtangkang pasukin ang website ng OWWA, at Google worksheet ng ilang government offices. “They have reached out… Continue reading China, nakikipag-ugnayan na sa Pilipinas, kaugnay ng hacking attempts ng China-based hackers sa ilang gov’t websites

ARTA, target na mapaikli sa 10 minuto ang business permit applications sa bansa

Tinatarget ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na mapabilis pa ang proseso ng business permit sa bansa. Ayon kay ARTA Sec. Ernesto Perez III, ngayong 2024 umaasa silang mapaikli sa 10 minuto na lang ang business permit applications sa mga LGU. Hindi aniya imposible ito lalo’t nagagawa na ito sa ibang bansa. Kasama sa proposal ng… Continue reading ARTA, target na mapaikli sa 10 minuto ang business permit applications sa bansa

Love scam, doble ang itinaas noong 2023

Pinag-iingat ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang publiko hinggil sa tumataas na kaso ng krimen lalo na ngayong buwan ng mga puso. Lumalabas sa datos ng PNP-ACG na nangunguna ang ‘love scam’ sa mga krimen na kanilang naitala noong 2023 na doble ang itinaas kumpara noong 2022 na nasa 94 lamang. Ayon kay… Continue reading Love scam, doble ang itinaas noong 2023

Marcos Jr., nakikiisa sa paggunita ng Muslim Community ng Isra Wal Mi’raj

Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Muslim community sa paggunita nila ngayong araw ng Isra Wal Mi’raj o ang Night journey and Ascension of the Prophet Muhammad. Sa mensahe ng Chief Executive, sinabi nitong Isa Ang Isra Wal Mi’raj sa pinakapinagdiriwang na okasyon na kung saan ay lumalarawan ito sa mga gantimpala na… Continue reading Marcos Jr., nakikiisa sa paggunita ng Muslim Community ng Isra Wal Mi’raj

Search and rescue operations sa mga biktima ng landslide sa Davao de Oro, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang isinasagawang search and rescue operations para sa nalalabing 44 na empleyado ng APEX mining na na-trap sa landslide na naganap kamakalawa sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Exec. Dir. Undersecretary Ariel Nepomuceno, nagtutulong tulong ang mga kinauukulang ahensya upang marekober ang mga biktima alinsunod narin… Continue reading Search and rescue operations sa mga biktima ng landslide sa Davao de Oro, nagpapatuloy

Pagmomodernisa sa transport system sa bansa, in full speed — Pres. Marcos Jr.

In full speed ang kilos ng pamahalaan kung pag-uusapan ay pagpapaganda at maging modern na ang transportasyon sa bansa. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng dinaluhan nitongceremonial signing ng Civil Works Contracts para sa Davao Public Transport Modernization Project. Sinabi ng Chief Executive na paspasan na ang ginagawang pagsisikap ng… Continue reading Pagmomodernisa sa transport system sa bansa, in full speed — Pres. Marcos Jr.

Higit isang milyong visa, kaya nang i-accommodate ng Pilipinas ngayong 2024

Kaya nang i-accomodate ng Department of Foreign Affairs ang nasa higit isang milyong visa application ngayong taon dahil sa pagluwag ng pandemic restriction sa bansa. Ayon kay DFA Office of Consular Affairs Visa Section Director Leilani Feliciano, ito’y dahil unti-unti nang bumabangon ang Pilipinas mula sa COVID-19 pandemic kaya naman kaya nang magbigay ng mas… Continue reading Higit isang milyong visa, kaya nang i-accommodate ng Pilipinas ngayong 2024