Gross international reserves ng Pilipinas, sapat pa rin para suportahan ang estado ng ekonomiya – BSP

Bahagyang bumaba ang gross international reserves (GIR) ng Pilipinas ngayong buwan ng Enero 2024. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mula $103.8 billion bumaba ito sa $103.4 billion. Gayunman ayon sa BSP, ang latest GIR level ay sapat nang “external liquidity buffer” kung saan katumbas ito ng 7.7 months na halaga ng import ng… Continue reading Gross international reserves ng Pilipinas, sapat pa rin para suportahan ang estado ng ekonomiya – BSP

DTI, mas palalakasin pa ang kampanya vs. illegal na pagbebenta ng VAPE sa bansa

Mas papalakasin pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kampanya kontra sa illegal na pagbebenta ng Vaporized Nicotine Product o vape sa bansa. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual sa kanilang kampanya kontra iligal na pagbenenta ng vape sa bansa, patuloy ang kanilang pagsu-surveillance sa mga physical store ng vape products kung saan… Continue reading DTI, mas palalakasin pa ang kampanya vs. illegal na pagbebenta ng VAPE sa bansa

200 pulis, ipakakalat ng QCPD para sa seguridad ng 3-araw na selebrasyon ng Chinese New Year

Magpapakalat ang Quezon City Police District (QCPD) ng 200 pulis para magbigay ng seguridad sa tatlong araw na selebrasyon ng Chinese New Year 2024. Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan, naka standby na ang District Reactionary Standby Support Force (DRSSF) para pigilan ang anumang banta ng mga lawless element sa mga pampublikong lugar gaya… Continue reading 200 pulis, ipakakalat ng QCPD para sa seguridad ng 3-araw na selebrasyon ng Chinese New Year

Iba’t ibang aktibidad isinasagawa sa Banawe, Quezon City kasabay ng selebrasyon ng Chinese New Year 

Ilan sa mga kababayan natin ang nakiisa sa selebrasyon ng Chinese New Year dito sa Banawe sa Quezon City ngayong hapon.  Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, marami sa ating mga kababayan ang dumagsa sa kahabaan ng Banawe Street corner Catalina Street kung saan nakapwesto ang food bazaar tampok ang mga pagkaing Tsino.  Dito rin nakapwesto… Continue reading Iba’t ibang aktibidad isinasagawa sa Banawe, Quezon City kasabay ng selebrasyon ng Chinese New Year 

Road reblocking, ipatutupad sa ilang kalsada sa Metro Manila sa weekend

Magpapatupad ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila sa weekend.  Batay sa abiso ng Metro Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang pagkukumpuni ng mga kalsada simula mamayang alas-11 ng gabi, February 9 hanggang alas-5 ng madaling araw sa Lunes, February 12.  Kabilang sa mga apektadong… Continue reading Road reblocking, ipatutupad sa ilang kalsada sa Metro Manila sa weekend

DMW: Panibagong batch ng OFW claimants sa Saudi, inaasahang matatanggap ang kanilang benepisyo sa mga susunod na linggo

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na panibagong batch ng mga Overseas Filipino worker (OFW) claimant sa Saudi ang nakatakdang makatanggap ng kanilang hindi nabayarang sahod at benepisyo sa mga susunod na linggo.  Ito ay mula sa construction companies na kanilang pinapasukan na nabangkarote noong 2015 hanggang 2016.  Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo… Continue reading DMW: Panibagong batch ng OFW claimants sa Saudi, inaasahang matatanggap ang kanilang benepisyo sa mga susunod na linggo

Mga hindi awtorisadong sasakyan na dumaan bus carousel lane, tineketan ng MMDA

Nagsagawa muli ng operasyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force sa bahagi ng EDSA Megamall Northbound ngayong araw.  Sa kabila ng pagiging holiday at maluwag ang EDSA, marami pa ring pasaway na mga motorista ang dumaan sa bus carousel lane.  Pinangunahan ni MMDA Special Operations Group Officer-in-Charge Gabriel Go ang operasyon… Continue reading Mga hindi awtorisadong sasakyan na dumaan bus carousel lane, tineketan ng MMDA

Suporta ni PBBM sa economic reform ng Saligang Batas, malaking bagay sa mabilis na pag-usad ng Cha-Cha — House leaders

Nagpasalamat ang ilan sa mga lider ng Kamara sa deklarasyon ng suporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa itinutulak na pag-amyenda ng Kamara sa restrictive economic provisions ng Konstitusyon upang mas makahikayat ng dayuhang mamumuhunan. Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chair Rufus Rodriguez, buhay na buhay ngayon ang panawagang charter reform dahil… Continue reading Suporta ni PBBM sa economic reform ng Saligang Batas, malaking bagay sa mabilis na pag-usad ng Cha-Cha — House leaders

Pag-Ibig Fund, nakapagtala ng ₱126-B na home loan noong 2023

Umabot sa ₱126.04 bilyon ang naipamahaging home loan ng Pag-Ibig Fund noong 2023 na mas mataas kumpara noong 2022 na umabot lamang sa ₱117.85 bilyon. Ayon kay Pag-Ibig President at CEO Marilene Acosta, ito’y dahil sa maayos na pamamalakad ng Pag-Ibig at pag-cater sa pangangailangan ng mga miyembro nito. Dagdag pa ni Acosta na sa… Continue reading Pag-Ibig Fund, nakapagtala ng ₱126-B na home loan noong 2023

Pilipinas, kaisa ng UK sa panalangin ng agarang paggaling ni King Charles

Kaisa ng United Kingdom ang Pilipinas sa pananalangin ng agarang paggaling at full recovery ni King Charles. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. makaraang ma-diagnose na mayroong cancer ang 75-year old na British monarch. Kaugnay nito, taos-puso ang ipinaabot na best wishes ng Pangulo kay King Charles at Queen Camilla. “Sending my heartfelt… Continue reading Pilipinas, kaisa ng UK sa panalangin ng agarang paggaling ni King Charles