Target ng Philippine National Police (PNP) na makamit ang 100% trust rating ng publiko.
Ito’y matapos na unang makamit ang ang 80% trust rating mula sa OCTA survey at highest complaint resolution mula naman sa Civil Service Commission kamakailan.
Sa flag raising ceremony kanina sa Kampo Crame, muling inulit ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang kanyang panawagan sa pwersa ng pulisya na maging professional, magkaisa at panatilihin ang pagsunod sa batas.
Ito’y para patuloy na magtiwala at tumaas pa ang kumpiyansa ng mga mamayan sa PNP.
Ginawa ng PNP Chief ang panawagan dahil numero uno raw kasing dahilan ng pagkakaroon ng “dysfunction” sa isang institusyon ay ang politika.
Una naring binilinan ng PNP Chief ang buong hanay ng PNP na mananatiling nakatutok sa kanilang mandato at wag makisawsaw sa mga kaganapan sa politika. | ulat ni Leo Sarne