1,200 magsasaka, makikinabang sa resolusyon ng Batangas Land Dispute – DAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 1,200 na mga magsasaka ang inaasahang makikinabang sa gagawing distribusyon ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng individual land parcels na resulta ng naging resolusyon sa Batangas Land Dispute.

Ito ang nilinaw ng DAR na taliwas sa napaunang ulat na binawian ng lupa ang mga magsasaka sa Hacienda Palico, Banilad at Caylaway, sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa DAR, matapos ang halos apat na dekada nang sigalot, nagkasundo na ang mga magsasaka sa lugar at Roxas and Co. Inc.

Paliwanag nito, ilalim ng compromise agreement ng mga ito, ipapamahagi sa mga magsasaka ang kalahati ng pinagtalunang lupain o katumbas ng 1,322.23 ektarya.

Malinaw na nakasaad rin aniya ito sa inisyung Consolidated Order ng DAR noong December 29, 2023, na naging final at executory as January 30, 2024, matapos na walang partido ang naghain ng motion for reconsideration o appeal.

Sunod namang ipproseso na ng DAR ang pamamahagi ng parcels of land sa mga natukoy na benepisyaryong magsasaka.

Naging malaking instrumento ang DAR para maresolba ang halos apat na dekadang land dispute sa lugar.

Ayon naman kay DAR Sec. Conrado Estralla III, patunay ito ng posibleng umiral ang ‘social justice’ sa mga magsasaka at landowners.

Ang resolusyon din aniyang ito ay alinsunod sa marching order ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na maresolba na ang backlog sa agrarian cases. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us