Mahigit 50 magkasintahan, sabay-sabay na ikinasal sa Kasalang Panglusod sa San Juan City ngayong Valentine’s Day

Sabay sabay na nag “I do” ang mga magkasintahan sa isinagawang mass wedding sa Lungsod ng San Juan ngayong Araw ng mga Puso. Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang “Kasalang Panglunsod” sa San Juan Gym na taunang programa na ginagawa sa lungsod. Nasa 57 magkasintahan ang ikinasal na galing pa sa iba’t… Continue reading Mahigit 50 magkasintahan, sabay-sabay na ikinasal sa Kasalang Panglusod sa San Juan City ngayong Valentine’s Day

Mga Katoliko, hinimok ng CBCP na sumama sa Walk for Life na gagawin sa Sabado

Nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Katoliko na sumama sa gagawing Walk for Life, sa Sabado sa University of Sto. Tomas Maynila. Ang Walk for Life ay pangungunahan ng mga Obispo, Pari, Madre, mga laico at iba pa. Layunin nito na hikayatin ang mga Kristyano na pahalagahan ang buhay at… Continue reading Mga Katoliko, hinimok ng CBCP na sumama sa Walk for Life na gagawin sa Sabado

Mga mambabatas, hiniling na huwag lagyan ng pangit na kulay ang AKAP program

Dumipensa ang mga mambabatas sa ibinabatong paratang kaugnay sa bagong programa ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program o AKAP, na ginagamit umano sa pagkuha ng pirma para sa people’s initiative. Sa isang pulong balitaan sinabi ni Bataan Representatie Geraldine Roman, na malinaw na nakasaad sa 2024 General Appropriations Act ang AKAP program na… Continue reading Mga mambabatas, hiniling na huwag lagyan ng pangit na kulay ang AKAP program

Mahigit 3,000 pamilya na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Davao Region, naabutan ng tulong ng OVP

Patuloy pa rin ang malawakang tulong ng Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Davao Region na dulot ng shearline at low pressure area. Sa pamumuno ng OVP-Disaster Operations Center kasama ang OVP Davao Satellite Office, umabot na sa 3,860 na mga pamilya ang nahatiran ng… Continue reading Mahigit 3,000 pamilya na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Davao Region, naabutan ng tulong ng OVP

Pagtatayo ng health facilities sa major tourist destinations sa Pilipinas, ipinanukala ni SP Migz Zubiri

Balak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maghain ng isang panukalang batas na layong makapagpatayo ng health facilities sa mga pangunahing tourist destination sa Pilipinas. Sa sesyon kahapon, ibinahagi ni Zubiri na naisip niya ang panukalang ito matapos makausap ang ilang miyembro ng Consular Corp nitong weekend, at pinunto ng ilang mga miyembro nito… Continue reading Pagtatayo ng health facilities sa major tourist destinations sa Pilipinas, ipinanukala ni SP Migz Zubiri

Mga iligal na nakaparadang sasakyan sa Paco, Maynila, natiketan at pinaghahatak ng mga tauhan ng MMDA Special Operations Group

Inalis ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group – Strike Force ang mga sagabal sa sidewalk sa Barangay 66 Zone 71 sa Paco, Maynila. Ito ay sa isinagawang clearing operation ngayong Araw ng mga Puso. Nag-ugat ang operasyon sa lugar matapos na makatanggap ng reklamo ang MMDA na hindi na… Continue reading Mga iligal na nakaparadang sasakyan sa Paco, Maynila, natiketan at pinaghahatak ng mga tauhan ng MMDA Special Operations Group

Paggamit ng biometrics ng mga pasahero sa paliparan, isinusulong ng DOTr

Isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) ang paggamit ng biometrics sa mga paliparan upang mapabilis ang proseso at galaw ng mga pasahero. Ito ang inihayag ni Transportation Secretary for Aviation and Airports Sector Roberto Lim sa isinagawang Biometric Airport Passenger Processing Forum sa Davao City. Ayon kay Lim, gagamitin ang biometrics simula sa entry hanggang… Continue reading Paggamit ng biometrics ng mga pasahero sa paliparan, isinusulong ng DOTr

Sweldo ng mga manggagawa sa gobyerno, dapat na ring i-adjust

Naniniwala si Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat na ring gawaran ng wage increase ang mga empleyado ng gobyerno, kasabay ng isinusulong na P100 dagdag sahod sa minimum wage workers ng pribadong sektor. Sa interpellation para sa Senate Bill 2534, natanong ni Senador Sonny Angara ang posibilidad ng pagkakaroon ng wage distortion partikular na… Continue reading Sweldo ng mga manggagawa sa gobyerno, dapat na ring i-adjust

Master Mambabatok na si Whang-od at iba pang natatanging government workers, binigyang pagkilala

Ginawaran ng Presidential Medal of Merit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang master tattoo artist at nag-iisang Master mambabatok na si Apo Whang-Od, ngayong araw (February 14). Sa awarding ceremony ng 2023 Outstanding Government Workers sa Malacañang, kinilala ng Pangulo ang kontribusyon nito sa pag-preserba ng tradisyunal na sining at practices ng Pilipinas. “For… Continue reading Master Mambabatok na si Whang-od at iba pang natatanging government workers, binigyang pagkilala

SP Zubiri at Speaker Romualdez, nagkasunod na ng cease fire sa Kapulungan ng Kongreso

Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez discusses with Senate President Migz Zubiri the plans for hosting the 31st Annual Meeting of the Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) on November 23-26, 2923 in Manila Philippines during a luncheon meeting with ambassadors and diplomats of APPF-member countries at the Shangri-la Hotel in Global City, Taguig Tuesday afternoon.photo by Ver Noveno

Nagkasundo na sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez na ceasefire na ang Senado at Kamara sa mga batuhan ng pahayag. Unang binahagi ni senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na nagkamay na ang dalawang lider ng Kongreso sa naging selebrasyon ng ika-isandaang kaarawan ni Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile… Continue reading SP Zubiri at Speaker Romualdez, nagkasunod na ng cease fire sa Kapulungan ng Kongreso