DA-R02, nagorganisa ng Kadiwa ngayong Valentine’s Day

Pampuno ng tiyan na malapit sa puso ang pakulo naman ng DA-RO2 sa pagtatayo nila ng Kadiwa ngayong Valentine’s Day. Tampok dito ang mga murang halaga na mga prutas at gulay na pwedeng gawing bouquet na panregalo sa mga minamahal ngayong araw ng mga puso. Sa halagang P400 mapasaya mo na ang iyong minamahal, makakasigurong… Continue reading DA-R02, nagorganisa ng Kadiwa ngayong Valentine’s Day

BIR, inudyukan na sampahan na ng kasong tax evasion ang kumpanyang Flava

Naniniwala si Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers na panahon nang sampahan ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue ang kumpanyang Flava. Kasunod ito ng pagdinig ng House Ways and Means Committee kung saan kinakitaan ng sapat na batayan na nilabag ng naturang vape company ang Vape Law ng bansa. Isa na… Continue reading BIR, inudyukan na sampahan na ng kasong tax evasion ang kumpanyang Flava

PNP at Philippine Army, pinaigting ang kooperasyon sa internal security operations sa Visayas

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army ang kanilang kooperasyon para makamit ang “Stable Internal Peace and Security” sa Visayas region. Ito ay pinagtibay sa pakikipagpulong ni PNP Area Police Command (APC) – Visayas Commander Police Major General Robert Rodriguez, kay Philippine Army 3rd Infantry Division (3ID) at Joint Task Force Spear Commander… Continue reading PNP at Philippine Army, pinaigting ang kooperasyon sa internal security operations sa Visayas

‘Near poor’ na mga Pilipino, target na maalalayan sa ilalim ng AKAP program ng DSWD

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development na ang ‘Ayuda para sa Kapos ang Kita Program’ (AKAP) ay dinisenyo para sa mga kapus-palad o nabibilang sa “near poor” upang mabigyan sila ng agarang tulong at suportang pinansyal. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, kabilang sa maituturing na nasa “near poor” segment ay ang minimum… Continue reading ‘Near poor’ na mga Pilipino, target na maalalayan sa ilalim ng AKAP program ng DSWD

Mas murang gamot para sa sakit sa puso, itinutulak ng isang party-list solon

Nais ng isang mambabatas na gawing araw-araw ang Valentine’s Day para sa mga Pilipinong may sakit sa puso. Sa pamamagitan ito ng House Bill No. 9924 or “VAT Exemption for Medicines Related to Cardiovascular Diseases Act”. Ayon kay Agri party-list Rep. Wilbert Lee, hindi biro ang pagkakaroon ng sakit sa puso. Bukod kasi aniya sa… Continue reading Mas murang gamot para sa sakit sa puso, itinutulak ng isang party-list solon

AFP chief, pinangunahan ang pagpapasinaya sa bagong kumpuning multi-purpose building ng AFP

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang hand-over at pag-bendisyon ng bagong kumpuning AFP Commissioned Officers Country Multi-Purpose Building sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Naging katuwang sa proyektong ito ng AFP ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Nagpasalamat si Gen. Brawner sa DPWH sa… Continue reading AFP chief, pinangunahan ang pagpapasinaya sa bagong kumpuning multi-purpose building ng AFP

Senate Inquiry sa panghihimasok ng ICC at UN sa Pilipinas, isinusulong

Naghain si Senador Imee Marcos ng isang resolusyon para siyasatin ang panghihimasok at hindi makatwirang presensya ng iba’t ibang intergovernmental organizations sa Pilipinas. Sa Senate Resolution 927, partikular na tinukoy ni Marcos ang International Criminal Court (ICC) at ang United Nations (UN). Ayon kay Sen. Imee, ang hindi maskatwirang presensya ng mga organisasyong ito sa… Continue reading Senate Inquiry sa panghihimasok ng ICC at UN sa Pilipinas, isinusulong

Quiapo church, magdaraos ng tuloy-tuloy na misa ngayong araw bilang paggunita sa unang araw ng Kuwaresma

Maagang nagtungo sa National Shrine of the Black Nazarene sa Quiapo, Manila ang ilang mga deboto para sa Ash Wednesday. Alas-5:00 ng umaga nang simulan ang unang misa kung saan halos mangilan-ngilan lamang ang mga nagtungo para magpapahid ng abo sa noo. Ito’y bilang pagsisimula ng araw ng pag-aayuno at unang araw sa panahon ng… Continue reading Quiapo church, magdaraos ng tuloy-tuloy na misa ngayong araw bilang paggunita sa unang araw ng Kuwaresma

Ecowaste ngayong Valentines: Makipag-break na sa single-use plastics

Nanawagan ngayon ang zero waste at toxics-free watchdog group na Ecowaste sa mga magsing-irog at may mga date ngayong Valentine’s Day na ipakita rin ang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng pakikipag-break sa paggamit ng single-use plastics (SUPs). Ayon sa grupo, literal na ‘toxic relationship’ ang dala ng SUPs sa publiko dahil sa hatid nitong… Continue reading Ecowaste ngayong Valentines: Makipag-break na sa single-use plastics

Halaga ng diskwento ng mga senior sa basic goods, pinataasan sa ₱500 kada buwan

Inatasan House Joint Committee on Special Privileges ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na itaas na ang diskwento ng mga senior citizen sa “basic goods” sa ₱500 kada buwan. Sa pagdinig ng Committees on Ways and Means, Senior Citizens, at PWDs, sinabi ni Albay Representative Joey Salceda na mula ₱65 kada linggo ay dapat itaas… Continue reading Halaga ng diskwento ng mga senior sa basic goods, pinataasan sa ₱500 kada buwan