CSWDO, nag-deploy ng team upang tumulong sa pagbibigay ng psychosocial interventions sa mga biktima ng landslide sa Maco Davao de Oro

Nag-deploy na ang lokal na pamahalaan ng Davao ng grupo ng mga psychometricians at social workers sa Davao de Oro. Labing-apat na mga personahe ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang ipinadala upang magbigay ng serbisyo partikular na ang psychological first aid at psychosocial support services sa mga pamilya na apektado ng landslide… Continue reading CSWDO, nag-deploy ng team upang tumulong sa pagbibigay ng psychosocial interventions sa mga biktima ng landslide sa Maco Davao de Oro

Mga pamilyang sinalanta ng bagyong Egay sa Negros Occidental, binigyan na ng ayuda ng NHA

Nagpaabot na ng tulong pinansyal ang National Housing Authority (NHA) sa mga pamilyang sinalanta noon ng bagyong Eday sa Negros Occidental. Aabot sa P3.9 milyong halaga ng tulong pinansyal ang ipinagkaloob ng NHA-Region VI sa 390 pamilya mula sa anim na munisipalidad ng lalawigan. Ipinamahagi ang tulong pinansyal sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program… Continue reading Mga pamilyang sinalanta ng bagyong Egay sa Negros Occidental, binigyan na ng ayuda ng NHA

Transport groups at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, nagpulong na para sa iniaalok na modern jeepney 

Iprinisinta na ni dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson sa mga kinatawan ng transport group ang modern jeepney na balak nitong ipautang para sa PUV Modernization Program (PUVMP).  Sa pagpupulong kanina, isinama ni Singson ang Korean Manufacturer na Eon Company na gagawa ng electric modern jeepney na kanyang ipapautang sa mga tsuper at operators. … Continue reading Transport groups at dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, nagpulong na para sa iniaalok na modern jeepney 

BIR employee na nahuling nangingikil sa isang business establishment, naaresto at kinasuhan na

Ibinunyag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagkahuli ng isang kawani nito na nangingikil sa isang business establishment sa Malabon City, kamakailan. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., nahuli ito sa isinagawang joint entrapment operation kasama ang Philippine National Police (PNP). Bago naaresto, nakatanggap ng sumbong ang BIR laban sa isang indibidwal na… Continue reading BIR employee na nahuling nangingikil sa isang business establishment, naaresto at kinasuhan na

Hatian sa foreign ownership sa isinusulong na economic chacha, titiyaking di madedehado ang mga Pilipino

Nilinaw ni House Economic Affairs Committee Vice Chair at Nueva Ecija Representative Mikka Suansing, na hindi ibig sabihin ay 100 percent na pahihintulutan ang mga dayuhan na mag may-ari ng kumpanya sa Pilipinas sa ilalim ng isinusulong na economic charter amendment Sa pulong balitaan, pinawi ni Suansing ang pangamba ng ilan na sa oras na… Continue reading Hatian sa foreign ownership sa isinusulong na economic chacha, titiyaking di madedehado ang mga Pilipino

Mahigit 1,000 OFWs sa Saudi na may unpaid claims sa employers, natanggap ang kanilang ‘di nabayarang sahod at benepisyo – DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na mayroon pang mga susunod na batch na overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi na makatatanggap ng hindi nabayarang sahod at benepisyo mula sa kanilang employers. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, na inihahanda na ng gobyerno ng Saudi ang pangalawa at pangatlong… Continue reading Mahigit 1,000 OFWs sa Saudi na may unpaid claims sa employers, natanggap ang kanilang ‘di nabayarang sahod at benepisyo – DMW

6 na sundalo nasawi sa enkwentro sa Daulah Islamiyah sa Lanao del Norte

Anim na sundalo ang nasawi, at apat ang sugatan sa naganap na enkwentro kahapon sa Brgy. Ramain, Munai, Lanao del Norte sa pagitan ng militar at mga myembro ng Daula Islamiyah. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, nagsasagawa ng Decisive Military Operation ang militar sa lugar… Continue reading 6 na sundalo nasawi sa enkwentro sa Daulah Islamiyah sa Lanao del Norte

AFP Chief, nakiramay sa mga pamilya ng 6 na sundalong nasawi sa enkwentro sa Lanao del Norte

Ipinaabot ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng 6 na sundalo na nasawi kahapon sa pakikipaglaban sa mga miyembro ng Daulah Islamiya sa Munai, Lanao Del Norte. Tiniyak pa ni Gen. Brawner sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo at sa… Continue reading AFP Chief, nakiramay sa mga pamilya ng 6 na sundalong nasawi sa enkwentro sa Lanao del Norte

Suporta para sa seaweed industry, palalakasin ng DA

Tutulungan ng Department of Agriculture ang local seaweed producers sa bansa para maibalik ang katayuan ng Pilipinas bilang top export producers ng aquaculture resources. Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. naungusan na ang Pilipinas ng Indonesia sa antas ng produksyon. Noong 1990, ang Pilipinas ay nagluluwas ng 80% ng seaweed sa mundo habang… Continue reading Suporta para sa seaweed industry, palalakasin ng DA

Higit 40,000 food packs, naipadala na ng DSWD sa Davao Region

Patuloy pa rin ang buhos ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residenteng naapektuhan ng mga pagulan sa Davao region. Bilang karagdagang tulong, nagpadala pa ang DSWD ng 40,800 family food packs (FFPs) na tinanggap ng DSWD Field Office (FO)-11 sa Globalports Davao Terminal nitong linggo. Ayon kay DSWD Asst.… Continue reading Higit 40,000 food packs, naipadala na ng DSWD sa Davao Region