Ipina-contempt ng Kamara sina dating Southern Police District (SPD) Director Brigadier General Roderick Mariano at Colonel Charlie Cabradilla dahil sa hindi pagsagot ng makatotohanan sa mga tanong ng mga mambabatas.
Kaugnay pa rin ito sa imbestigasyon ng House Committee on Public Order and Safety kaugnay sa iregularidad ng pag-aresto at pagnanakaw sa apat na Chinese nationals noong nakaraang taon.
Si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang nagmosyon para ipa-contempt ang dalawang pulis.
Aniya, pinapaikot lang sila ng dalawa at wala sa kanila ang gustong magsabi ng totoo, partikular na sa legalidad ng pagkakasabat nila ng pera at armas sa naturang Chinese nationals.
Una nang na-contempt ng komite ang anim sa mga pulis na miyembro ng naturang unit, na nadetine ng 15.
Ngunit dahil sa patuloy na pagsisinungaling at hindi pagsasabi ng totoo ay nagmosyon muli si Tulfo na dagdagan pa ng 15 ang detention ng mga ito.
Inparubahan naman ng komite ang kaniyang mosyon. | ulat ni Kathleen Forbes