Higit 38,000 MT ng isda, nadiskarga sa mga regional port nitong Enero

Sa kabila ng off-season fishing at mga pag-ulan nitong Enero, nakapagtala pa rin ang Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) 38,780.63 metriko toneladang isda na nadiskarga sa mga Regional Fish Ports (RFP) noong Enero. Ayon sa PFDA, nangangahulugan itong sapat pa rin ang suplay ng fishery products sa bansa sa unang buwan ng taon. Kabilang sa… Continue reading Higit 38,000 MT ng isda, nadiskarga sa mga regional port nitong Enero

Nalalabing miyembro ng Dawlah Islamiyah, patuloy na tinutugis ng AFP

Pinaigting pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang operasyon laban sa mga nalalabing miyembro ng Dawlah Islamiyah. Ayon sa Western Mindanao Command (WESMINCOM), ito ay kasunod ng nangyaring engkwentro sa Lanao del Norte na ikinasawi ng anim na sundalo at ikinasugat ng apat na iba pa. Ayon kay WESMINCOM Chief, Lt/Gen. William… Continue reading Nalalabing miyembro ng Dawlah Islamiyah, patuloy na tinutugis ng AFP

PNP, walang na-monitor na banta sa pagdiriwang ng anibersaryo ng People Power Revolution

Walang na-monitor na seryosong banta ang PNP sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-38 na anibersaryo ng People Power Revolution sa Pebrero 25. Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kasabay ng pagtiyak na nakatutok ang PNP sa pag-monitor sa mga grupong inaasahang magsasagawa ng mga kilos protesta sa araw na iyon.… Continue reading PNP, walang na-monitor na banta sa pagdiriwang ng anibersaryo ng People Power Revolution

Tanggapan ng National Amnesty Commission, magbubukas sa Sulu

Nasa lalawigan na ng Sulu ang tanggapan ng National Amnesty Commission o NAC upang magserbisyo sa mga nagkasala sa gobyerno dahil sa kanilang political belief na maaring maipasok sa  amnesty program ng pamahalaan. Ipinaliwanag ni Peace Program Officer III Al-Sherwin Alpha ng National Amnesty Commission, Local Amnesty Board Secretariat – Sulu ang mga maaaring mag-apply… Continue reading Tanggapan ng National Amnesty Commission, magbubukas sa Sulu

Pilipinas, may bago nang C-130 tactical transport aircraft

Napasakamay na ng Philippine Air Force ang bagong C-130 tactical transport aircraft nito na ipinagkaloob ng Estados Unidos. Sinalubong ito ng air force sa pamamagitan ng water cannon salute sa paglapag nito sa Clark Air Base sa Mabalacat City sa Pampanga. Ayon sa tagapagsalita ng air force na si Col. Ma. Consuelo Castillo, ito ang… Continue reading Pilipinas, may bago nang C-130 tactical transport aircraft

Pamahalaan, hinikayat ang mga Pilipinong mangingisda na ituloy ang pangingisda sa West Philippine Sea

Tiniyak ni National Security Adviser Assistant Director General Jonathan Malaya ang mas pinalakas pang rotational presence ng pamahalaan sa West Philippine sea at iba pang water territory ng bansa. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Malaya na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang deployment gaya na lamang sa Rozul Reef na doon ay kanilang dinispatsa ang BRP… Continue reading Pamahalaan, hinikayat ang mga Pilipinong mangingisda na ituloy ang pangingisda sa West Philippine Sea

Party-list solon, ikinalugod ang paglilinaw ng FDA sa pagkuha ng diskwento ng mga senior citizen sa pagbili ng gamot

Ikinatuwa ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang ginawang paglilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) sa pagkuha ng diskwento ng mga senior citizen sa pagbili ng gamot. Kabilang dito ang pagkakasama ng mga vitamins at supplement sa maaaring patawan ng 20% discount privilege. Malaking bagay din aniya na nilinaw ng FDA na ang… Continue reading Party-list solon, ikinalugod ang paglilinaw ng FDA sa pagkuha ng diskwento ng mga senior citizen sa pagbili ng gamot

Mga sasakyang iligal na nakaparada sa isang kalye sa QC, hinatak at tiniketan ng MMDA

Nasubok ang pasensya ng MMDA Strike Force sa ikinasa nitong road clearing operations sa kalye ng Anahaw sa Brgy. Veterans sa Quezon City ngayong umaga. Ilan kase sa mga residenteng may-ari ng mga sasakyang iligal na nakaparada ang umalma, may mga nanigaw pa at may umiyak dahil nagulat sa operasyon ng MMDA. P1,000 ang multa… Continue reading Mga sasakyang iligal na nakaparada sa isang kalye sa QC, hinatak at tiniketan ng MMDA

Paglalagay ng open at green spaces sa mga paaralan sa QC, itataguyod ng QC LGU

Plano ng Quezon City Government na madagdagan ang open at green spaces sa mga paaralan sa lungsod. Para maisakaturapan ito, lumagda sa isang Memodandum of Understanding (MOU) ang pamahalaang lungsod sa QC Schools Division Office, at Global Resilient Cities Network sa tulong at suporta ng Temasek Foundation. Ito ay sa ilalim ng programang OASIS (Openness,… Continue reading Paglalagay ng open at green spaces sa mga paaralan sa QC, itataguyod ng QC LGU

Bulkang Taal, nagbuga ng mataas na lebel ng asupre — PHIVOLCS

Tumaas ang naobserbahang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) sa Taal Volcano sa nakalipas na 24-oras. Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umakyat sa 14,211 tonelada ang sulfur dioxide (SO2) gas na ibinuga ng bulkan hanggang kaninang hatinggabi. Ito na aniya ang ikalawa sa pinakamataas na gas emission… Continue reading Bulkang Taal, nagbuga ng mataas na lebel ng asupre — PHIVOLCS