VP Sara Duterte, bumisita sa burol ng isa sa mga sundalong nasawi sa engkwentro sa Munai, Lanao del Norte

Personal na dumalaw si Vice President Sara Duterte sa burol ng isa sa mga nasawing sundalo sa engkwentro sa Daulah Islamiyah sa Munai, Lanao del Norte. Nagpaabot ng pakikiramay ang Pangalawang Pangulo sa pamilya ni Cpl. Reland A.Tapinit. Sa kaniyang pagbisita, sinabi ni VP Duterte na saludo siya sa kwento ng katapangan at kabayanihang ipinakita… Continue reading VP Sara Duterte, bumisita sa burol ng isa sa mga sundalong nasawi sa engkwentro sa Munai, Lanao del Norte

Amyenda sa Saligang Batas, pinakamahalagang lehislasyon na tatrabahuin ng mga mambabatas — Rep. Dimaporo

Para kay Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo, ang pag-amyenda sa 1987 Constitution ang pinakamahalagang lehislasyon na gagawin nila bilang mga mambabatas. Ang pahayag na ito ng kongresista ay kasabay ng pagbibigay diin sa kung bakit mahalagang maamyendahan na ang economic provisions ng Saligang Batas. Aniya, hindi na kakayanin pa ng gobyerno na sagutin ang… Continue reading Amyenda sa Saligang Batas, pinakamahalagang lehislasyon na tatrabahuin ng mga mambabatas — Rep. Dimaporo

Konstruksyon ng R.T. Lim-Siocon Road sa Zamboanga Peninsula, patapos na

Nasa 82% na ang nagpapatuloy na konstruksyon ng kalsada na mag-uugnay sa bayan ng R.T. Lim, Zamboanga Sibugay at bayan ng Siocon, Zamboanga del Norte na pinondohan ng Asian Development Bank (ADB). Ang naturang kalsada ay may habang 64 kilometro sa ilalim ng Growth Corridors for Mindanao Road Sector Project (IGCMRSP). Sa pahayag ni Senior… Continue reading Konstruksyon ng R.T. Lim-Siocon Road sa Zamboanga Peninsula, patapos na

DOTr, makikipagtulungan sa ibang ahensya ng pamahalaan upang mahuli ang mga ‘kolorum’ na ambulansya

Magtutulungan ang Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT), Department of Health (DOH), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang matugunan ang issue sa mga hindi awtorisado o kolorum na mga ambulansya. Sa isang pahayag, sinabi ng SAICT na magsasagawa ito ng press conference at orientation sa March 1… Continue reading DOTr, makikipagtulungan sa ibang ahensya ng pamahalaan upang mahuli ang mga ‘kolorum’ na ambulansya

Dagdag na gamot na exempted sa VAT, malaking tulong sa taumbayan – Sen. Sonny Angara

Giniit ni Senador Sonny Angara na malaki ang maitutulong ng pagdadagdag ng mga gamot na exempted sa value added tax (VAT). Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng anunsiyo ng Food and Drugs Administration (FDA) na may 20 pang bagong gamot sa listahan ng mga exempted sa VAT, na umaabot na ngayon sa… Continue reading Dagdag na gamot na exempted sa VAT, malaking tulong sa taumbayan – Sen. Sonny Angara

Campus caravan ng PCO, isinagawa sa Leyte Normal University

Sa temang “Nagkakaisang Tinig Tungo sa Bagong Pilipinas”, pormal na sinimulan ang caravan ngayong araw, Pebrero 22 sa pamamagitan ng pagbubukas ng exhibition booths kung saan ibinida ang iba’t ibang  serbisyo ng communications agency ng gobyerno. Kabilang dito ang Bureau of Communications Services, National Printing Office, Philippine News Agency, News and Information Bureau, Radyo Pilipinas,… Continue reading Campus caravan ng PCO, isinagawa sa Leyte Normal University

Karagdang 26,000 pamilya sa Davao Region na apektado ng malawakang pagbaha, nabigyan ng tulong ng OVP

Umabot sa kabuuang 26,285 na pamilyang apektado ng malawakang pagbaha sa Davao Region ang nabigyan ng tulong ng Office of the Vice President (OVP). Sa pagtutulungan ng OVP Disaster Operations Center at OVP Davao Satellite Office, namahagi ito ng tig-limang kilong bigas sa mga apektadong residente kahapon. Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang mahigit… Continue reading Karagdang 26,000 pamilya sa Davao Region na apektado ng malawakang pagbaha, nabigyan ng tulong ng OVP

Mga nagparehistro para makalahok sa 2025 midterm elections, umabot na sa mahigit 400,000

Pumalo na sa 406,371 ang mga bagong botante na nagparehistro para makalahok sa 2025 elections. Sa pinakahuling report ng Commission on Elections (COMELEC), ang Region 4A ay may 72,515; na sinundan ng National Capital Region (NCR) na may 56,365; Region 3 na mayroong 44,794; Region 7 34,374; at Region 11 na 23,718. Sa mga rehiyon,… Continue reading Mga nagparehistro para makalahok sa 2025 midterm elections, umabot na sa mahigit 400,000

OSG, kailangan ng matibay na ebidensya mula sa BFAR hinggil sa cyanide fishing sa WPS

Labag sa anumang batas ang paggamit ng mapaminsalang cyanide sa pangingisda. Ito ang binigyang diin ni Solicitor General Menardo Guevarra hinggil sa isyu ng sinasabing cyanide fishing ng mga Chinese at Vietnamese nationals sa West Philippine Sea. Ayon pa kay Guevarra, kahit sa international law ay malinaw na paglabag ang paggamit ng cyanide sa pangingisda… Continue reading OSG, kailangan ng matibay na ebidensya mula sa BFAR hinggil sa cyanide fishing sa WPS

Mahigit 117,000 na kumpanya, pinatawan ng suspensyon ng Securities and Exchange Commission

Pinatawan ng Securities and Exchange Commission ng suspensyon ang aabot sa 117,800 non-compliant na mga kumpanya. Ayon sa SEC, sinuspindi nila ang Certificates of Incorporation ng mga nasabing korporasyon dahil bigo itong magsumite ng kanilang annual reports ng higit sa limang taon. Kabilang din sa listahan ang mga negosyong nagparehistro pero naging inactive. Sa ilalim… Continue reading Mahigit 117,000 na kumpanya, pinatawan ng suspensyon ng Securities and Exchange Commission