37 senior citizens sa Malabon, tumanggap ng livelihood assistance

Aabot sa 37 senior citizens sa Malabon City ang nakinabang sa Livelihood Assistance Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at National Commission of Senior Citizens (NCSC). Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang pamamahagi ng tig-19 na sako ng bigas sa bawat benepisyaryo. Katuwang dito ng alkalde ang Senior Citizens Affairs (OSCA) at Nagkaisang… Continue reading 37 senior citizens sa Malabon, tumanggap ng livelihood assistance

Ilang flights sa NAIA, naantala dahil sa nasirang C130 aircraft sa taxiway

Ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang naantala ngayong hapon matapos na masira ang C130 aircraft sa Taxiway Charlie 6. Batay sa flight advisory no. 1 ng Manila International Airport Authority (MIAA) as of 1PM, kaagad na nagsagawa ng recovery procedure ang MIAA emergency and operations team at Philippine Air Force sa naturang… Continue reading Ilang flights sa NAIA, naantala dahil sa nasirang C130 aircraft sa taxiway

COMELEC, muling magsasagawa ng bidding para sa online overseas voting

Nakatakdang magsagawa ng panibagong bidding ang Commission on Elections para sa kumpanya na hahawak ng online overseas voting ng OFWs. Ang desisyon ng komisyon ay bunsod ng hindi pagkakapasa ng dalawang kumpanya sa Bids and Awards Committee ng COMELEC.. Base sa COMELEC, hindi nakapagbigay ang Indra Soluciones Technologias de la Information, at We are IT… Continue reading COMELEC, muling magsasagawa ng bidding para sa online overseas voting

Anti-scamming Bill, nakatakda na para sa deliberasyon sa plenaryo ng Senado

Naipresenta na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na layong labanan ang mga financial cybercrime modus. Sa sponsorship speech ni Senate Committee on Banks Chairperson Senador Mark Villar para sa Senate Bill 2560 o ang panukalang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), giniit ng senador na kailangang tuldukan na angpagnanakaw ng mga scammer sa pinaghirapang… Continue reading Anti-scamming Bill, nakatakda na para sa deliberasyon sa plenaryo ng Senado

SPD, pinag-iingat ang publiko sa pag-share ng mga maling impormasyon matapos kumalat sa social media, text messages ang umanoy nakatakas na 3 preso sa Makati

Nananawagan ang Southern Police District (SPD) sa publiko na mag-ingat at huwag basta-basta mag-share ng mga hindi beripikadong mga report matapos na kumalat sa social media at mga text messages ang umanoy nakatakas na tatlong preso sa Guadalupe sa Lungsod ng Makati. Ayon sa SPD walang katotohanan ang kumakalat na tatlong preso na may kasong… Continue reading SPD, pinag-iingat ang publiko sa pag-share ng mga maling impormasyon matapos kumalat sa social media, text messages ang umanoy nakatakas na 3 preso sa Makati

K9 units at handlers, pinarangalan sa kanilang kahanga-hangang serbisyo sa Davao de Oro

Kinilala ng Philippine Coast Guard ang serbisyo ng K9 handlers sa nangyaring landslide sa Davao de Oro. Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang awarding ceremony para sa nasabing K9 handlers at working dogs. Ayon kay Coast Guard District South Eastern Mindanao Commander Coast Guard Rejard Marfe, kinikilala din sa naturang awarding ceremony ang mga… Continue reading K9 units at handlers, pinarangalan sa kanilang kahanga-hangang serbisyo sa Davao de Oro

DOE, patuloy ang ginagawang mahigpit na pag-monitor sa pagkumpleto ng major projects ng NGCP

Patuloy ang ginagawang monitoring ng Department of Energy(DOE) para sa mga major projects ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong unang quarter ng 2023. Ito’y kasunod ng pagtitiyak ng Energy Department sa sapat na energy supply ng bansa sa kasagsagan ng El Niño phenomenon. Ayon kay DOE Undersecretary Felix William Fuentebella, nais nilang… Continue reading DOE, patuloy ang ginagawang mahigpit na pag-monitor sa pagkumpleto ng major projects ng NGCP

Sen. Risa Hontiveros, umaasang matatalakay na rin sa plenaryo ng Senado ang Divorce Bill

Umaasa si Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Senadora Risa Hontiveros na makakapag-schedule na ang Senado ng plenary deliberations para sa Divorce Bill. Ginawa ni Hontiveros ang pahayag matapos umusad at maipresenta na sa plenaryo ng Kamara ang Divorce Bill. Setyembre pa ng nakaraang taon nailabas ng komite ni Hontiveros… Continue reading Sen. Risa Hontiveros, umaasang matatalakay na rin sa plenaryo ng Senado ang Divorce Bill

Panukalang regulasyon sa bentahan ng gamot online, isinusulong

Sinimulan nang talakayin ng House Committee on Trade and Industry ang panukalang “OPPA” o Online Philippine Pharmacy Act. Nilalayon nito na mapalawak ang regulasyon sa bentahan ng iba’t ibang mga gamot sa online platform. Bunsod na rin ito ng mga pekeng gamot na ibinibenta online. Maliban dito, may ilang doktor at sikat na personalidad din… Continue reading Panukalang regulasyon sa bentahan ng gamot online, isinusulong

Mahigit 40 Chinese illegal POGO workers, nakatakdang i-deport ngayong araw

Ide-deport na ngayong araw ang ikalimang batch ng mga Chinese national na illegal POGO workers sa Pasay City. Binubuo ng 43 Chinese nationals at isang Vietnamese ang ide-deport ngayong araw na pinangunahan ni Undersecretary Gilbert Cruz at mga tauhan nito ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pakikipagtulungan ng Bureau of Immigration (BI), Department of… Continue reading Mahigit 40 Chinese illegal POGO workers, nakatakdang i-deport ngayong araw