Pangulong Marcos Jr., hinikayat ang municipal mayors na lumikha ng mga proyektong pakikinabangan ng mga susunod na henerasyon

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga alkalde na gumawa ng mga proyektong makakabenepisyo ang mga susunod na henerasyon. Sa talumpati ng Pangulo sa General Assembly ng League of Municipalities sa Lungsod ng Pasay, sinabi nitong ang kailangan ay mga proyektong kahit mahaba ang timeline basta’t mapapakinabangan ng mga kabataan. Binigyang… Continue reading Pangulong Marcos Jr., hinikayat ang municipal mayors na lumikha ng mga proyektong pakikinabangan ng mga susunod na henerasyon

MMDA Humanitarian Team, naghatid ng maiinom na tubig sa apektado ng kalamidad sa Agusan del Sur

Umabot sa mahigit 15,000 na galon ng malinis na tubig ang naipamahagi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Humanitarian Team sa iba’t ibang munisipalidad na apektado ng pagbaha na dulot ng shearline at low pressure area sa Agusan del Sur. Dala ng MMDA Team ang 60 units ng solar-powered water filtration system na kayang makapagsala… Continue reading MMDA Humanitarian Team, naghatid ng maiinom na tubig sa apektado ng kalamidad sa Agusan del Sur

Pangulong Marcos Jr., nais maisabay ang plebisito para sa economic chacha sa 2025 elections – SP Migz Zubiri

Ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na pinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga senador ang pagnanais nitong maisabay sa 2025 midterm elections ang plebesito para sa economic chacha. Ito ay sa naging private meeting ng mga senador kasama si Pangulong Marcos sa Malacañang, kahapon. Paliwanag ni Zubiri, kung gagawin kasi aniya… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nais maisabay ang plebisito para sa economic chacha sa 2025 elections – SP Migz Zubiri

DOTr, umaasang mapabibilis ang pagkumpleto sa mga transport project sa bansa sa tulong ng JICA

Nakipagpulong ang Department of Transportation (DOTr) sa Japan International Cooperation Agency (JICA) para mas mapabilis ang pagkumpleto sa mga transport project sa Pilipinas. Sa naturang pulong, inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na umaasa siyang mababago ang timeline at mas mapapaaga ang pagtatapos ng mga proyekto partikular na ang Metro Manila Subway Project at North-South… Continue reading DOTr, umaasang mapabibilis ang pagkumpleto sa mga transport project sa bansa sa tulong ng JICA

DMW at PLDT, magtutulungan upang mapalakas ang kakayahan ng mga OFW sa information and technology

Patuloy na pinaiigting ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pakikipagtulungan sa publiko at pribadong sektor para mapabuti ang mga serbisyo sa mga overseas Filipino worker. Nilagdaan nina DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac at PLDT Global Inc. President at CEO Albert Villareal ang Memorandum of Agreement kahapon sa Lungsod ng Makati kasama ang ibang opisyal… Continue reading DMW at PLDT, magtutulungan upang mapalakas ang kakayahan ng mga OFW sa information and technology

DOJ, iaapela ang kaso ng Piñas lang na si Jemboy Baltazar 

Naghahanda na ang Department of Justice (DOJ) para iapela ang desisyon ng Navotas City Regional Trial Court kaugnay sa kaso ng pinatay na si Jemboy Baltazar.  Ayon kay Justice Assistant Secretary Mico Clavano, marami silang nakitang butas sa desisyon na hindi katanggap-tanggap.  Nagtataka ang DOJ kung bakit homicide lamang ang kinalabasan ng kaso imbes na… Continue reading DOJ, iaapela ang kaso ng Piñas lang na si Jemboy Baltazar 

23 bagong proyekto sa ilalim ng Infrastructure Flagship Projects ng pamahalaan, inaprubahan ng NEDA Board

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na 23 mga bagong proyekto sa Infrastructure Flagship Projects (IFPs) sa ilalim ng Build-Better-More program ang inaprubahan ng NEDA Board, sa katatapos na pulong ngayong araw. Sa kabuuan, nasa 185 proyekto na ang nasa listahan ng IFPs na nagkakahalaga ng P9.14 trillion. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio… Continue reading 23 bagong proyekto sa ilalim ng Infrastructure Flagship Projects ng pamahalaan, inaprubahan ng NEDA Board

DA Secretary Tiu Laurel, pinaiimbestigahan ang hindi tamang pagbebenta ng bigas ng NFA

Ipinag-utos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang malalimang imbestigasyon sa ulat na nagbebenta ng libo-libong tonelada ng bigas ang National Food Authority (NFA) sa ilang traders sa paluging presyo. Bumuo na ng panel of investigators ang DA Chief para imbestigahan ang ilang NFA officials na sangkot sa bentahan ng bigas. Sila di… Continue reading DA Secretary Tiu Laurel, pinaiimbestigahan ang hindi tamang pagbebenta ng bigas ng NFA

Joint Foreign Chambers of Commerce in the Philippines, suportado ang panukalang revision ng restrictive provision ng 1987 Constitution

Nagpahayag ng pagsuporta sa panukalang revision ng economic provisions ng 1987 Constitution ang Joint Foreign Chambers of Commerce in the Philippines (JFC). Ayon sa JFC, bibigyan daan nito ang mas maraming foreign direct investment sa Pilipinas na nanatiling nahuhuli sa Southeast Asia. Sa ipinadalang liham ng JFC kay House Speaker Martin Romualdez, sinabi nito na… Continue reading Joint Foreign Chambers of Commerce in the Philippines, suportado ang panukalang revision ng restrictive provision ng 1987 Constitution

Pinakamataas na dividend rate para sa Regular at MP2 savings, naitala ng PAG-IBIG para sa 2023

Pumalo sa 6.55% at 7.05% ang dividend rate na naitala ng PAG-IBIG Fund para sa taong 2023, mas mataas ito kumpara noong 2022. Sa 2023 Chairman’s Report ng PAG-IBIG Fund, naitala rin ang pinakamataas na NET income ng tanggapan na nasa P49.79 billion. P925.61 billion para sa total assets, na 12% na mas mataas kumpara… Continue reading Pinakamataas na dividend rate para sa Regular at MP2 savings, naitala ng PAG-IBIG para sa 2023