Konstruksyon ng Metro Manila Subway Project, nasa 40% nang tapos – DOTr

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na 40% nang kumpleto ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Project hanggang nitong January 2024. Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa isinagawang pag-inspeksyon sa naturang proyekto kasama si Finance Secretary Ralph Recto at si Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Representative to the Philippines Takema Sakamoto… Continue reading Konstruksyon ng Metro Manila Subway Project, nasa 40% nang tapos – DOTr

Lanao solon, binigyang halaga ang pagtutulungan ng security forces at lokal na pamahalaan upang tuluyang masawata na ang ‘remnants’ ng terrorist group sa lalawigan

Siniguro ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na nananatiling payapa ang kalakhang Mindanao at hindi na mauulit pa ang Marawi siege. Ito ay kasunod na rin ng engkwentro sa pagitan ng pwersa ng militar at Dawlah Islamiyah-Maute group, kamakailan. Ayon kay Adiong, patuloy na nagsasagawa ng operasyon ang militar laban sa remnants ng… Continue reading Lanao solon, binigyang halaga ang pagtutulungan ng security forces at lokal na pamahalaan upang tuluyang masawata na ang ‘remnants’ ng terrorist group sa lalawigan

Mataas na “heat index,” muling naitala sa Oriental Mindoro

Naramdaman ang matinding init at maalinsangang panahon sa ilang lugar sa bansa ngayong hapon. Batay sa heat index monitor ng PAGASA, pumalo sa 41 °C ang heat index o alinsangan sa katawan na naramdaman sa Calapan, Oriental Mindoro. Pasok ito sa danger category ng PAGASA, kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion… Continue reading Mataas na “heat index,” muling naitala sa Oriental Mindoro

Pagbibigay prayoridad ni Pangulong Marcos sa Motorcycle Taxi Bill, ipinagpasalamat

Welcome para kay 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez ang pagbibigay prayoridad ng administrasyong Marcos sa Motorcycle Taxi Bill. Kasunod ito ng atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na aralin ang mungkahi na gawing legal ang motorcycle taxi, na kasalukuyang ginagamit ng mas maraming commuter sa bansa. Sinundan naman ito ng direktiba ni Speaker Martin… Continue reading Pagbibigay prayoridad ni Pangulong Marcos sa Motorcycle Taxi Bill, ipinagpasalamat

Comelec, nakahanda sa plebisito para sa charter change sakaling isabay ito sa 2025 midterm elections 

Siniguro ng Commission on Elections (COMELEC) na kakayanin nito na isabay ang plebisito sa charter change at 2025 midterm elections.  Ayon kay Comelec Chairpersn George Erwin Garcia, nakahanda ang komisyon na magsagawa ng sabay na plebisito at halalan kung aprubahan ng Senado at Kamara ang panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas.  Hindi rin daw sila hihingi… Continue reading Comelec, nakahanda sa plebisito para sa charter change sakaling isabay ito sa 2025 midterm elections 

House panel chair, nagpaabot ng pabuyang ₱10-M sa PNP matapos ma-nutralisa ang Concepcion gang

Sampung milyong pisong pabuya ang ibinigay ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa Philippine National Police (PNP) matapos tuluyang mabuwag ang Concepcion Criminal Group. Enero nang ma-nutralisa ng operatiba ng pambansang pulisya si Gilbert Saysay Concepcion na siyang lider ng grupo, kasama ang isa pang miyembro nito na si Laeco Josie Quite Saysay sa… Continue reading House panel chair, nagpaabot ng pabuyang ₱10-M sa PNP matapos ma-nutralisa ang Concepcion gang

Isang mataas na lider komunista sa Zamboanga del Sur, na-nutralisa ng militar

Isang mataas na lider-komunista ang na-nutralisa sa engkwentro sa Brgy. Malagalad, Dumingag, Zamboanga del Sur, kaninang alas-3:57 ng madaling araw. Kinilala ang nasawing terorista na si Aprecia Alvarez Rosette alyas Bam-Bam, ang secretary ng Western Mindanao Regional Party Committee, na may higit 30 warrants of arrest dahil sa kasong extortion, murder, arson at destruction of… Continue reading Isang mataas na lider komunista sa Zamboanga del Sur, na-nutralisa ng militar

Pagpapa-deport kay dating Negros Oriental Cong. Arnie Teves, hiningi na ng DOJ sa Pamahalaang Timor Leste

Tuluyan nang kinansela ng Department of Foreign Affairs ang pasaporte ni dating Negros Oriental Cong. Arnie Teves. Ito’y matapos aprubahan ng korte kamakailan ang kanselasyon ng kaniyang pasaporte. Dahil dito, agad sumulat ang Department of Justice sa gobyerno ng Timor Leste para hingiin ang deportasyon laban sa dating kongresista. Ayon kay Justice Assistant Sec. Mico… Continue reading Pagpapa-deport kay dating Negros Oriental Cong. Arnie Teves, hiningi na ng DOJ sa Pamahalaang Timor Leste

Gobyerno, puspusan ang pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura upang maresolba ang traffic congestion sa bansa

Upang makamit ang hangarin na Bagong Pilipinas, komited ang Department of Finance na ihatid ang epektibo at episyenteng mass transportation system sa bansa na pangunahing pangangailangan para sa ‘inclusive growth’. Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, pagsusumikapan ng gobyerno na hindi masayang ang pinaghirapang buwis ng taumbayan dahil sa perwisyo ng trapik kaya puspusan ang… Continue reading Gobyerno, puspusan ang pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura upang maresolba ang traffic congestion sa bansa

Apat na fishermen associations sa Malabon, tumanggap ng mga bangka

Tumanggap ng mga bagong motorized boats ang apat na fishermen associations sa lungsod ng Malabon. Ito ay sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources BFAR) at Department of Labor and Employment (DOLE) na nakaangkla sa layunin ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng atensyon ang mga mangingisda sa Malabon lalo’t isa ito sa… Continue reading Apat na fishermen associations sa Malabon, tumanggap ng mga bangka