Presyo ng baboy sa Bacolod City, inaasahan ang pagbaba matapos alisin ang pork ban

Inaasahan ang pagbaba ng presyo sa karne ng baboy matapos alisin ng pamahalaang lungsod ng Bacolod ang ban o pagbabawal sa pagpasok ng live pigs, pork, at pork products mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sinabi ni Mayor Alfredo Abelardo Benitez na inaasahan ngayong linggo ang pagpapadala ng mga baboy mula sa mga kalapit… Continue reading Presyo ng baboy sa Bacolod City, inaasahan ang pagbaba matapos alisin ang pork ban

Paghihigpit sa mga nagbebenta ng uniporme ng pulis, ipinag-utos ni PNP Chief

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang mahigpit na pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa hindi awtorisadong paggamit ng uniporme ng pulis. Ito’y kasunod ng insidente ng panloloob sa isang pawnshop sa Koronadal City kung saan dalawa sa mga suspek ay may suot na PNP athletic shirt. Pinasusuri na rin… Continue reading Paghihigpit sa mga nagbebenta ng uniporme ng pulis, ipinag-utos ni PNP Chief

Matataas na opisyal ng Philippine Air Force, binalasa

Pinangunahan ni Philippine Air Force Commanding General Lieutenant General Stephen Pareño ang Joint Change of Chief of Office and Command Ceremonies sa Villamor Air Base sa Pasay City, kahapon. Dito’y pormal na iniluklok bilang bagong Vice Commander ng Philippine Air Force si dating Air Defense Commander Major General Augustine Malinit. Pinalitan ni Maj. Gen. Malinit… Continue reading Matataas na opisyal ng Philippine Air Force, binalasa

Senate inquiry tungkol sa implementasyon ng free certification ng tech-voc senior high school graduates, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na masilip ang pagpapatupad ng Free Senior High school assessment and certification support program para sa mga technical vocational livelihood (TVL) learners. Sa paghahain ng Senate Resolution 835, binigyang diin ni Gatchalian ang pangangailagan na masuri ang kahandaan ng Department of Education (DepEd) at ng Technical Education and Skills Development… Continue reading Senate inquiry tungkol sa implementasyon ng free certification ng tech-voc senior high school graduates, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Teams ng mga eksperto, naglunsad ng post disaster assessment sa Masara Landslide sa Davao de Oro

Ang Masara Lanslide incident sa bayan ng Maco, Davao de Oro ay nag-udyok ng urgent action mula sa Mines and Geosciences Bureau’s (MGB) Post-Disaster Assessment. Ito ay pinangunahan ng team ng mga eksperto mula sa MGB Central Office, MGB Region 6, MGB XI, at team na kinabibilangan ng mga key government officials at stakeholders na… Continue reading Teams ng mga eksperto, naglunsad ng post disaster assessment sa Masara Landslide sa Davao de Oro