Sen. Angara, inaasahan nang iaakyat sa Korte Suprema ang isinusulong na economic cha-cha

Aminado si Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairman Senador Sonny Angara na posibleng makwestiyon sa Korte Suprema ng isinusulong panukalang amyenda sa economic provision ng Saligang Batas. Ito ay matapos sabihin ni dating Chief Justice Reynato Puno na posibleng kwestiyunin sa kataas-taasang hukuman ang prosesong ginagawa ng Kongreso sa economic cha-cha. Ayon kay Angara, siguradong… Continue reading Sen. Angara, inaasahan nang iaakyat sa Korte Suprema ang isinusulong na economic cha-cha

Sen. Angara, naniniwalang may sapat pang panahon para maisabay ang plebesito sa chacha sa 2025 elections

Para kay Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairperson Senador Sonny Angara, may sapat pang panahon para maisabay ang plebesito para sa chacha sa 2025 elections. Ayon kay Angara, Marso pa lang naman at marami pang panahon para plantsahin ang mga detalye. Una nang sinabi ni Angara, na target ng kanyang komite na maaprubahan ang economic… Continue reading Sen. Angara, naniniwalang may sapat pang panahon para maisabay ang plebesito sa chacha sa 2025 elections

Pagpapataw ng multa sa mga e-vehicles na daraan sa national road sa Metro Manila, posibleng sa Abril maipatupad ayon sa MMDA

Posibleng sa Abril pa maipatupad sa Metro Manila ang mahigpit na pagbabawal na pagdaan ng mga e-vehicle sa mga pangunahing kalsada na may multang ₱2, 500 sa mga lalabag. Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chair Atty. Don Artes, kailangan pa muna kasi ng 15 araw matapos mailathala sa mga pahayagan ang pagpapatupad ng resolusyon.… Continue reading Pagpapataw ng multa sa mga e-vehicles na daraan sa national road sa Metro Manila, posibleng sa Abril maipatupad ayon sa MMDA

Isa sa mga bumalangkas sa 1987 Constitution, suportado ang pag-amyenda sa Saligang Batas

Binigyang-diin ni dating Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna na ngayon na ang tamang panahon para amyendahan ang 1987 Constitution. Si Azcuna ay nagsilbing vice chairperson ng Legislative Committee ng Constitutional Commission na bumalangkas sa Saligang Batas. Giit ni Azcuna, umaasa siyang maamyendahan na ang Konstitusyon upang makasabay at makatugon ito sa mabilis na pagbabago… Continue reading Isa sa mga bumalangkas sa 1987 Constitution, suportado ang pag-amyenda sa Saligang Batas

LGUs na lubhang apektado ng El Niño, dapat na magdeklara ng State of Calamity

Hinihikayat ng Task Force El Niño ang mga apektadong bayan o local government unit (LGU) na lubha na ang tinatamong pinsala dahil sa tag-tuyot, na magdeklara na ng State of Calamity sa kanilang lugar. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni Asec. Joey Villarama na sa ilalim ng deklarasyong ito, matri-trigger ang mekanismo para sa pagbibigay… Continue reading LGUs na lubhang apektado ng El Niño, dapat na magdeklara ng State of Calamity

Meralco, nagbabala sa publiko tungkol sa mga kumakalat na mensahe at nagpapanggap na galing sa kanilang opisyal na SMS channel

Nagbabala ang Manila Electric Company (MERALCO) sa publiko kaugnay sa mga kumakakalat na text message na mula umano sa kanilang opisyal na SMS channel at naglalaman ng pekeng link. Ayon sa abiso ng Meralco, hindi ito totoo at huwag i-click ang link dahil ito ay hindi galing sa kanila. Batay sa ulat, nakatanggap ng text… Continue reading Meralco, nagbabala sa publiko tungkol sa mga kumakalat na mensahe at nagpapanggap na galing sa kanilang opisyal na SMS channel

Alegasyon ng pananamantala sa ayudang mula sa DSWD at DOLE, pinaiimbestigahan sa Senado

Nais paimbestigahan ni Senador JV Ejercito sa Senado ang umano’y ayuda scam sa TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) program ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sa isang privilege speech, inilantad ni Ejercito ang pagkakaltas sa dapat sanang ₱7,500 na benepisyo mula sa TUPAD na layung tulungan ang mahihirap. Iprinisinta ng senador ang… Continue reading Alegasyon ng pananamantala sa ayudang mula sa DSWD at DOLE, pinaiimbestigahan sa Senado

₱500 taas sa diskwento ng senior citizens, PWDs sa grocery at batayang bilihin, magiging epektibo sa Marso

Mararamdaman na agad ng mga senior citizen at persons with disabilities ang pagtaas sa dikswento na maaari nilang i-avail kada buwan sa mga grocery at iba pang pangunahing bilihin sa Marso. Ito ang ibinalita ni Speaker Martin Romualdez kasunod ng pulong nila ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Carolina Sanchez. Matatandaan na inatasan… Continue reading ₱500 taas sa diskwento ng senior citizens, PWDs sa grocery at batayang bilihin, magiging epektibo sa Marso

PRC, patuloy ang pagbibigay ng pagkain at tubig sa mga indibidwal na apektado ng kalamidad sa Mindanao

Umabot na sa 71,000 na pagkain at 38,000 na indibwal ang nabigyan ng malinis na tubig ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga apektakdo ng kalamidad sa Mindanao na dulot ng shearline at low pressure area. Ito ay sa nakalipas na 30 araw na operasyon ng PRC sa nasabing lalawigan. Ayon kay PRC Chairman at… Continue reading PRC, patuloy ang pagbibigay ng pagkain at tubig sa mga indibidwal na apektado ng kalamidad sa Mindanao

DBM, naglaan ng P106 billion para tulungan ang 4.4 million households na mga mahihirap 

Naglaan ang pamahalaan ng ₱106.335 bilyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development na naglalayong tulungan ang mahigit 4.4 milyong karapat-dapat na pamilya sa buong bansa. Binigyang-diin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, na ang ₱106.335 bilyong inilaan sa 4Ps ay mas malaki kumpara sa… Continue reading DBM, naglaan ng P106 billion para tulungan ang 4.4 million households na mga mahihirap