Umano’y pagkakalat ng disimpormasyon ng NUPL sa engkwentro sa Bilar, Bohol, kinondena ng NTF-ELCAC

Kinondena ni National Task Force To end the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Ernesto Torres Jr. ang umano’y pagkakalat ng disimpormasyon ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), tungkol sa nangyaring engkwentro sa Bilar, Bohol kamakailan na ikinasawi ng isa nilang miyembro. Giit ni Usec. Torres, pawang kasinungalingan ang kinakalat ng NUPL na… Continue reading Umano’y pagkakalat ng disimpormasyon ng NUPL sa engkwentro sa Bilar, Bohol, kinondena ng NTF-ELCAC

Dayuhan, bawal maging independent director ng Maharlika Investment Commission — DOJ

Hindi pinapayagan ng Konstitusyon na maging empleyado ng gobyerno ang sinumang foreigner o dayuhan. Ito ang opinyon na inilabas ng Department of Justice matapos hilingin ng Malacañang. Base sa legal opinion ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na may patnubay ni Secretary Jesus Crispin Remulla, bawal italaga sa anumang sangay ng pamahalaan kahit pa Government Owned… Continue reading Dayuhan, bawal maging independent director ng Maharlika Investment Commission — DOJ

Pinsala ng El Niño sa agri sector, umakyat na sa higit P350-M; mga ayuda, ipinapaabot ng gobyerno sa mga apektadong magsasaka at mangingisda

Pumalo na sa P357 million ang danyos na iniwan ng El Niño sa sektor ng agrikultura ng Pilipinas. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DA Asec. Arnel de Mesa na pinakamalaki sa danyos na ito ay P127 milyon na naitala mula sa Iloilo. P56 million naman na halaga ng pinsala ay naitala mula sa Oriental… Continue reading Pinsala ng El Niño sa agri sector, umakyat na sa higit P350-M; mga ayuda, ipinapaabot ng gobyerno sa mga apektadong magsasaka at mangingisda

250 mangingisda na apektado ng shear line sa CamSur, hinatiran ng tulong ng DSWD

Patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mangingisdang naapektuhan ng shear line sa Camarines Sur. Ayon sa DSWD, nasa 250 shear line-affected fisherfolk sa Santa Elena, Camarines Sur ang tumanggap ng tig-P3,000 cash aid mula sa DSWD Field Office-5 (Bicol Region). Ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals… Continue reading 250 mangingisda na apektado ng shear line sa CamSur, hinatiran ng tulong ng DSWD

Bilang ng mga nagpa-rehistro para makaboto sa 2025 Midterm election, umabot na sa halos 800,000

Halos nasa walong daang libo na ang mga nagpatala sa Commission on Election para makaboto sa 2025 Midterm election. Batay sa pinakabagong datos na inilabas ng Comelec, nasa 784,831 na ang nagpa-rehistro sa buong bansa para maging botante sa halalan. Pinakamarami na ang nagpa-rehistro sa Calabarzon na nasa higit 140,000, na sinundan ng NCR, at… Continue reading Bilang ng mga nagpa-rehistro para makaboto sa 2025 Midterm election, umabot na sa halos 800,000

Project LAWA at BINHI, hindi ‘duplication’ ng programa ng ibang ahensya – DSWD

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi ‘duplication’ ng mga programa ng ibang ahensya ang dalawang proyekto nitong tugon sa epekto ng El Niño o ang Project LAWA o Local Adaptation to Water Access at BINHI o Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished. Sa DSWD Forum, ipinunto ni Special… Continue reading Project LAWA at BINHI, hindi ‘duplication’ ng programa ng ibang ahensya – DSWD

Pagpapalakas sa clinical trials ng mga gamot sa bansa, pinagtibay ng House Health Committee

Inaprubahan ng House Committee on Health ang House Bill 9867 o Pharmaceutical Innovation Act. Layon ng panukala na iniakda ni Speaker Martin Romualdez na palakasin ang pagtuklas at pag-develop ng iba’t ibang mga gamot sa pamamagitan ng pagpopondo sa “clinical trials” sa bansa. Sa kaniyang sponsorship na inilahad ni Tingog party-list Rep. Jude Acidre ,sinabi… Continue reading Pagpapalakas sa clinical trials ng mga gamot sa bansa, pinagtibay ng House Health Committee

Pilipinas, tutugunan sa akmang paraan ang “interference” sa West Philippine Sea

Tiniyak ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na tutugunan ng Philippine Navy sa akmang paraan ang napaulat na “interference” ng ibang bansa sa karagatang saklaw ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Ang pahayag ay ginawa ni Como. Trinidad kaugnay ng sinabi ng Pangulo kahapon na nababahala siya sa… Continue reading Pilipinas, tutugunan sa akmang paraan ang “interference” sa West Philippine Sea

Commitment ng Pilipinas sa pagkakaroon ng isang mundo na walang nuclear weapon, binigyang diin ni PBBM

Muling binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng Pilipinas, kaisa ng Southeast Asian nations, sa pagkakaroon ng isang mundo na malaya sa anumang nuclear weapon. Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng Australian Parliament, sinabi nito na mananatiling aktibo ang Pilipinas, hindi lamang sa pakikipag-ugnayan nito sa Australia, bagkus ay maging… Continue reading Commitment ng Pilipinas sa pagkakaroon ng isang mundo na walang nuclear weapon, binigyang diin ni PBBM

Sec. Año, nagpasalamat sa Senado sa pagsulong ng Philippine Maritime Zones Act

Pinasalamatan ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año ang Senado sa pangunguna ni Sen. President Miguel Zubiri at Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairperson Senator Francis “Tol” Tolentino sa pagsulong ng Senate Bill No. 2492 o Philippine Maritime Zone Act sa ikatatlo at huling pagbasa. Sa isang kalatas, sinabi ni Sec. Año… Continue reading Sec. Año, nagpasalamat sa Senado sa pagsulong ng Philippine Maritime Zones Act