Pinangunahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang pag-turnover sa PNP ng 6 na bomb disposal robots mula sa United States Anti-Terrorism Assistance (ATA).
Kasama ng PNP Chief sa turnover ceremony kahapon sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig sina Mr. Vincent Cooper, Senior Regional Security Officer ng US Embassy in Manila, at Congressman Jorge “Patrol” Bustos, Representative ng PATROL Party-list.
Ang mga naturang robot na tinatawag na Bomb Removal Automated Vehicle (BRAVE) ay dinevelop sa pakikipagtulungan ng De La Salle University students sa ilalim ni Dr. Elmer P. Dadios, Head Professor ng Robotics Engineering.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Gen. Acorda na ang mga bomb disposal robot ay magandang ehemplo ng international cooperation sa paglaban sa terorismo at testamento ng commitment sa technological advancement sa larangan ng law enforcement.
Kasabay ng turnover ceremony, isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa itatayong bagong headquarters ng EOD/K9 Group na pinamumunuan ni Police Brigadier General Albert G Magno. | ulat ni Leo Sarne
📷: PNP-PIO