Umakyat na sa 68 ang bilang ng mga nasawi dahil sa landslide na tumama sa isang gold-mining village sa Davao de Oro.
Sa pinakahuling ulat, may 51 katao pa rin ang nawawala, kabilang ang mga minero at naninirahan sa nayon.
Halos mag-iisang linggo na simula ng insidente at nagsisimula na rin magkaroon ng masangsang na amoy sa lugar ayon sa tagapagsalita ng Davao de Oro Provincial Disaster Office na si Edward Macapili.
Matatandaang natabunan ng lupa ang tatlong bus, isang jeep na naghihintay sa mga empleyado ng gold mining firm, at 55 kalapit na bahay na ikinasugat ng 32 tao.
Nangako naman ang mga awtoridad na ipagpapatuloy nila ang paghahanap hanggang sa matagpuan ang lahat ng mga biktimang nawawala. | ulat ni Jollie Mar Acuyong