Patuloy ang pagdami ng nakiisa sa sa Philippine Open Government Plan o PH-OGP na pinamumunuan ni Budget and Management Sec. Amenah Pangandaman.
Dinala ni Pangandaman ang 6th National Action Plan sa cebu kung saan pumalo sa 250 ang nakilahok mula sa iba’t ibang sektor kabilang ang daan-daang miyembro ng civil society.
Ayon kay Pangandaman, ang National Action Plan o NAP ay produkto ng co-creation process ng pamahalaan at civil society kung saan magtutulungan ang mga ito para makabuo ng mga isusulong na reporma sa open government.
Ito aniya ang magiging daan para sa mga pangarap at pag-asa ng bansa tungo sa mas maayos na buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng pinagandang pagbibgay ng serbisyo publiko.
Ilan sa mga commitment na nabuo sa naturang kaganapan ay ang pagsasaayos ng kalidad ng participatory governance sa lokal na pamahalaan, at ang sub-nationalization ng transparency, accountability, at participatory governance mechanisms sa mga extractive sector sa ilalim ng Department of Finance. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: DBM