Sa tulong ng Department of Agriculture, muling dadayo sa Lungsod ng Navotas ang Kadiwa ng Pangulo sa Pebrero 15 at 29 ngayong taon.
Sa abiso ng lokal na pamahalaan, gaganapin ang Kadiwang Pangulo sa Navotas Central Park mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Ngayon pa lang, hinihikayat na ng LGU ang mga residente na samantalahin ang pagkakataong ito para makabili ng mga sariwang produkto sa abot kayang presyo.
Mabibili sa Kadiwa market ang mga gulay, prutas, karne, isda, itlog at iba pang mga produkto na direktang hinahango mula sa mga magsasaka. | ulat ni Rey Ferrer