Inaprubahan ng House Committee on Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples ang committee report at substitute measure sa panukalang nagmamandato ng paggagawad ng mga benepisyo sa pagkasawi at pagpapalibing sa representatives ng IPs.
Sinabi ni Parañaque 1st District Representative Edwin Olivares na may akda ng House bill 6713, ang hakbang ay para pairalin ang “equal pay for equal work, equity and social justice.”
Layon ng batas na makatanggap din ng death benefits ang mga IP na nasa policy-making and legislation sa local levels gaya ng natatanggap ng mga regular members na siyang nakasaad sa implementing rules and regulations RA 8371.
Ayon kay Committee Chair Rep. Allen Jesse Mangaoang, nirebisa ng komite ang Olivares Bill dahil limitado ito sa IP representatives sa barangay level habang nakasaad sa substitute bill na ang death benefits ay ipagkakaloob sa IP representatives ng hanggang provincial level.
Sa ilalim din ng substitute bill ng HB 6713 na nagbibigay sa mga kinatawan ng IP ng kaparehong katayuan sa pulitika gaya ng kanilang mga regular na inihalal na counterpart, isinasainstitusyon ang mga programang nagbibigay ng mga benepisyong salapi at suportang pinansyal sa mga benepisyaryong kinatwan ng IP na namatay sa serbisyo at iba pa.| ulat ni Melany V. Reyes