Tiniyak ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na tutulungan ng Pamahalaang Lungsod ang mga pamilyang nasunugan sa Barangay Tumana kaninang umaga.
Sinabi ng alkalde na bibigyan nila ng cash at materials assistance ang fire victims para maitayo muli ang kanilang kabahayan.
Batay sa ulat, nasa 28 kabahayan ang natupok at halos 60 pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Ester Bitua sa Angel Santos street kaninang alas 7:47 ng umaga.Umabot lamang ng unang alarma ang sunog.
Nailipat na sa dalawang evacuation center ang mga nasunugan at bumubuhos na ang suporta mula sa lokal na pamahalaan.
Pagtitiyak pa ng alkalde na sasailalim sa stress debriefing ng social workers ang mga kabataan na natrauma sa nangyaring sunog. | ulat ni Rey Ferrer