Nagbebenta ng sim na may G-Cash account, arestado ng ACG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang online-seller, na nagbebenta ng sim card na may rehistradong G-Cash Account.

Kinilala ni ACG Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo ang arestadong suspek na si Arthur Cab, 40, residente ng Fortune 4 Parada, Valenzuela City.

Nahuli ang suspek sa tapat ng isang fastfood restaurant sa Valenzuela City Hall sa entrapment operation na pinangunahan ni PLt. Red Vowen Fajardo, sa superbisyon ni PCapt. Santiago Roy, pasado alas tres ng hapon kahapon.

Inilunsad ang operasyon matapos makatanggap ng sumbong ang ACG mula sa biktimang tumangging magpakilala, na na-scam umano ng isang Facebook account na nagbebenta ng sim card na may beripikadong GCash sa Facebook marketplace.

Narekober sa suspek ang dalawang sim card na may rehistradong G-Cash, 3 libong pisong buy-bust money, at cellphone.

Ang suspek ay kakasuhan ng paglabag sa RA No. 11934 (SIM Registration Act) at RA No. 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) kaugnay ng RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), at RA No. 10175 ( An Act Defining Cybercrime). | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us