Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang aniya’y tagumpay sa sektor ng agrikultura noong isang taon.
Sinabi ng Pangulo na dahil sa sama-samang pagsisikap sa pagtataguyod sa agricultural sector ay naitala ang 20 milyong metriko toneladang ani ng palay noong 2023.
Nagpapakita aniya ito ng 1. 5 percent na pag- akyat o dagdag na ani ng mahigit na 300,000 tons ng palay.
Ayon sa Pangulo, ang naturang tagumpay ay bunga na din ng ginawang pamamahagi ng mas magandang uri ng binhi at pagbibigay ng malawakang suporta sa pataba ng pamahalaan.| ulat ni Alvin Baltazar