P31 bilyon ang ilalaan ng pamahalaan para sa National Rice Program ngayong 2024.
Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa Ceremonial Harvesting at pamamahagi ng various farm machineries sa bayan ng Candaba, Pampanga.
Sinabi ng Pangulo na gagamitin ang P31 billion para pag-ibayuhin ang mga programa gaya ng production support, extension services, research and development, at irrigation network services.
Gagamitin din, sabi ng Pangulo, ang pondo mula sa Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) upang mas palakasin ang hanay ng mga magsasaka.
Malaking bahagi ng pondong ito ay gagamitin sa pamamahagi ng makinarya tulad ng tillers, tractors, seeders, threshers, rice planters, reapers, driers, at marami pang iba.| ulat ni Alvin Baltazar