Nagsagawa ng cloud-seeding Operations ang Philippine Air Force, Department of Agriculture Region 2 at Bureau of Soils and Water Management simula nitong Pebrero 25.
Alinsunod ito sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na ipatupad ang “whole of Government Approach” upang maibsan ang epekto ng El Niño.
Gamit ang civilian Piper Navajo aircraft, nagpakalat ng 800 kgs ng sodium chloride sa kaulapan ng Southern Cagayan at Northern Isabela ang mga kawani ng 900th Air Force Weather Group (AFWG) nitong Linggo at Lunes.
Layon ng cloud seeding operations na makalikha ng ulan para tulungan ang mga magsasaka sa gitna ng nararanasang tagtuyot bunsod nang umiiral ng El Niño phenomenon sa bansa. | ulat ni Leo Sarne
Courtesy of PAF