Hindi itinuturing ng PNP na overkill ang pagde-deploy ng libu-libong pulis para sa anibersaryo ng People Power Revolution sa Linggo, Pebrero 25.
Ang pahayag ay ginawa ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo bilang reaksyon sa sinabi ng grupong Bayan na mistulang police power at hindi People Power ang mangyayari sa paggunita ng EDSA Anniversary.
Ayon Col. Fajardo, dapat maunawaan ng mga raliyista na proteksyon din ito sa kanila at hindi lang sa mga maaaring maapektuhan ng kanilang pagkilos.
Paliwanag ni Col. Fajardo, pinagplanuhan ng PNP ang posibilidad na may ibang grupo na manggugulo sa mga pagtitipon, base narin sa nakalipas na karanasan.
Kaya sa tingin aniya ng PNP, walang mali sa latag ng kanilang seguridad at katunayan ay nakahanda pa silang mag-deploy ng karagdagang pwersa kung kakailanganin. | ulat ni Leo Sarne