Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalakas ng hanay ng Philippine National Police (PNP) partikular sa linya ng cyber security.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na kahit nakakita ng improvement sa crime statistics ng bansa, mayroon aniyang pangangailangan na mag-focus sa cyber security, lalo’t nakakita ng pagtaas sa kaso ng cyber crime sa huling quarter ng 2023.
“Although seemingly nakita natin na nag-improve ‘yung crime statistics—it went down by 10 percent—but as we dissected further this crime statistics, there is a need for us to focus on cybercrimes.” ani Gen. Acorda.
Paiigtingin aniya ng PNP ang kakayahan ng hanay nito, isasailalim sa pagsasanay ang kanilang mga tauhan, upang magkaroong ng angkop na kaalaman sa pagtugon sa cyber crimes, hanggang sa municipal level ng PNP.
“This time, we are training our personnel and our objective is down to the police station level, municipal level, we will have police officers who are trained to handle cybercrime or online crimes,” dagdag pa ni Acorda.
Nangunguna aniya sa kaso ng cyber crime na naitatala sa bansa ay ang swindling at estafa na mayroong 15, 000 kaso, illegal access, na mayroong 4, 000 kaso, computer – related identify theft na mayroong 2,000 kaso, at online libel at credit card fraud na mayroong 2, 000 kaso.
“Malaking bagay po talaga when it comes to the identity, or establishing the identities of these perpetrators sa online. Through the SIM card identification, medyo nati-trace natin, nakakatulong sa pagtrace natin sa mga identities ng mga scammers,” ani Gen. Acorda.
| ulat ni Racquel Bayan