Nagkaloob ang Philippine Air Force (PAF) ng aerial Support sa Northern Luzon Command (NOLCOM) sa pag-patrolya sa Northern Luzon Seaboard ng Pilipinas nitong Sabado.
Isang C-295 aircraft ng PAF ang ginamit sa pagsasagawa ng maritime patrol sa Itbayat, Sabtang, at Babuyan Islands, malapit sa border ng Pilipinas at Taiwan.
Walang iniulat na kakaibang aktibidad sa isinagawang pag-monitor ng naturang mga lugar.
Tiniyak ni Philippine Air Force Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, ang commitment ng PAF na makikipagtulungan sa iba’t ibang sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at unified commands para sa coordinated response at komprehensibong seguridad sa maritime borders ng bansa.
Matatandaang sa pagbisita ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kamakailan sa Mavulis island, ang pinaka-hilagang isla ng bansa, ipinagutos niya sa AFP na palawakin ang mga istraktura at deployment ng mga tropa sa border ng Pilipinas at Taiwan. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PAF