Aminado si Philippine National Police (PNP) Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. na nakalulungkot na marinig ang mga panawagan na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas.
Ayon sa PNP chief, hindi aniya maganda para sa isang masiglang lipunan ang talakayin ang usapin ng pagkakawatak-watak sa kabila ng pagpupursige ng pamahalaan na pag-isahin ang bansa sa gitna ng pagkakaiba ng pananaw.
Dapat aniyang isaalang-alang ang naging sakripisyo ng mga sinaunang Pilipino na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kasarinlan ng iisang bansa mula sa puwersa ng mga mananakop.
Kasunod nito, nanawagan si Acorda sa publiko ng pagkakaisa at kahinahunan sa kabila ng ingay politika na naririnig sa kasalukuyan. | ulat ni Jaymark Dagala