Itinanggi ni Eastern Mindanao Command (Eastmincom) Spokesperson Col. Rosa Ma. Cristina Rosete-Manuel na bubuwagin ang Joint Task Force Davao.
Sa isang Statement kaugnay ng naging pagbista ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa Eastmincom, iginiit ni Col. Rosete-Manuel na walang kautusan mula sa pamunuan ng AFP na tanggalin ang Task Force Davao sa kanilang kasalukuyang Mandato.
Paliwanag ni Col. Rosete-Manuel, ang Task Force Davao, ang pangunahing pwersa ng Joint Task Force Haribon ng Eastmincom sa counter-terrorism Operations sa Davao.
Naging epektibo aniya ang Task Force Davao sa pagpigil sa mga aktibidad ng mga terorista sa Davao at matagumpay na napanatili ang kapayapaan, seguridad at kaunlaran sa Lungsod.
Una rito, pinalutang ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang spekulasyon na bubuwagin ang Task Force Davao bilang paghahanda sa umano’y napipintong pag-aresto sa Dating Pangulong Duterte. | ulat ni Leo Sarne