Tulong ng GSIS sa mga miyembro nitong biktima ng kalamidad sa Agusan, umabot sa ₱499-M

Bilang pagtugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. arcos Jr. na bigyang tulong ang mga biktima ng kalamidad, ay binuksan ng Government Service Insurance System ang emergency loan para tulungan ang mga miyembro nitong naapektuhan ng pagbaha sa lalawigan ng Agusan del Sur. Ayon sa inilabas na pahayag ng GSIS, mayroon silang mahigit 17,000 miyembro… Continue reading Tulong ng GSIS sa mga miyembro nitong biktima ng kalamidad sa Agusan, umabot sa ₱499-M

Taguig LGU, tinawag na bully ng lungsod ng Makati

Nalantad na umano ang tunay ng mukha ng lungsod ng Taguig.  Ito ang iginiit ng pamahalaang lungsod ng Makati matapos maglabas ng Closure Order ang Taguig LGU para sa Makati Park.  Ayon sa pamahalaang lungsod ng Makati, inaangkin ng Taguig ang hindi sa kanila at binabaluktot ang batas.  Inakusahan din ng Makati LGU, ang Taguig ng… Continue reading Taguig LGU, tinawag na bully ng lungsod ng Makati

BOC, pinuri ng House tax chief matapos masabat ang P3.7-B halaga ng smuggled vapes

Pinapurihan ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda ang Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Rubio, sa pagkakasabat ng nasa P3.72 bilyong halaga ng smuggled electronic cigarettes sa magkahiwalay na raid sa Malabon at Paranaque kamakailan. “I congratulate Commissioner Rubio and his team for the big-time catches conducted today.… Continue reading BOC, pinuri ng House tax chief matapos masabat ang P3.7-B halaga ng smuggled vapes

Early detection ng cancer, itinutulak ni DILG Sec. Abalos

Suportado ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang mga hakbang sa early detection at prevention ng lahat ng uri ng sakit na cancer. Inihayag ito ng kalihim na isa ring cancer survivor sa harap ng Philippine College of Surgeons (PCS) Cancer Commission sa Philippine National Cancer Summit 2024. Punto… Continue reading Early detection ng cancer, itinutulak ni DILG Sec. Abalos

Presensya ng 2 research vessel ng China sa Benham Rise, panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas — House Tax Chief

Malinaw na intrusion o panghihimasok ang ginawa ng China matapos mamataan ang dalawang Chinese research ship sa Benham Rise nitong March 1 ayon kay Ways and Means Committee Chair at Albay Representative Joey Salceda. Diin ni Salceda, ang Benham Rise o kilala rin bilang Philippine Rise ay sa atin. “The West Philippine Sea might be… Continue reading Presensya ng 2 research vessel ng China sa Benham Rise, panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas — House Tax Chief

FTI, target gawing main hub ng KADIWA sa Metro Manila

Plano ng Department of Agriculture na gawing main hub ng KADIWA sa Metro Manila ang Food Terminal Incorporated sa Taguig City. Kasama ito sa natalakay sa ginawang pulong nina DA Asec. for Legislative Affairs, DLLO, and Consumer Affairs at KADIWA Head Atty. Genevieve E. Velicaria-Guevarra, Special Assistant to the Secretary Daniel Atayde, at Agribusiness Marketing… Continue reading FTI, target gawing main hub ng KADIWA sa Metro Manila

Chief Justice Gesmundo, gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Punong Mahistrado na nagtungo sa Basilan

Tinungo ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang lalawigan ng Tawi-Tawi para ilunsad ang Remote Hearing and Equal Access to Law and Justice o REAL Justice program. Ayon kay Senior Associate Justice Marvic Leonen, si Chief Justice Gesmundo ang kauna-unahang nakaupong Punong Mahistrado na gumawa ng kasaysayan na bumisita sa Tawi-Tawi.  Isang magandang pagkakataon,… Continue reading Chief Justice Gesmundo, gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Punong Mahistrado na nagtungo sa Basilan

Responsableng pagtatapon ng basura gaya ng upos ng sigarilyo, ipinaalala ng MMDA kasunod ng Fire Prevention Month

Ipinaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko lalo na sa mga naninigarilyo ang responsableng pagtatapon ng basura partikular na ang mga upos ng sigarilyo. Ito’y ayon sa MMDA bilang pakikiisa na rin sa Fire Prevention Month tuwing Marso na layong maiwasan ang pagdami ng mga naitatalang sunog sa panahong ito. Ayon sa MMDA,… Continue reading Responsableng pagtatapon ng basura gaya ng upos ng sigarilyo, ipinaalala ng MMDA kasunod ng Fire Prevention Month

139 opisyal ng NFA, sinuspinde ng ombudsman dahil sa kontrobersyal na pagbebenta ng buffer stock na bigas

Pinatawan na ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension ang nasa 139 na opisyal ng National Food Administration. Kinumpirma ito ngayon ni DA Sec. Francscio Tiu Laurel na nag-ugat sa imbestigasyon sa umano’y pagbebenta ng NFA ng libu-libong tonelada ng bigas na buffer stock sa ilang traders sa paluging presyo. Ayon… Continue reading 139 opisyal ng NFA, sinuspinde ng ombudsman dahil sa kontrobersyal na pagbebenta ng buffer stock na bigas

Coast Guard, nagpadala ng kanilang barko sa Benham Rice para sa 2 linggo na pagpapatrolya

Nagpadala na ng barko ang Philippine Coast Guard (PCG) para magpatrolya sa Benham Rice sa loob ng dalawang linggo.  Ito’y matapos mamataan sa naturang karagatan ang ilang barko ng China noong nakaraang linggo na tila nagsasagawa ng kakaibang aktibidad.  Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan, ipinag-utos niya ang pagbyahe ng BRP Gabriela… Continue reading Coast Guard, nagpadala ng kanilang barko sa Benham Rice para sa 2 linggo na pagpapatrolya