Sanhi ng sunog sa South Taguig, inaalam na ng BFP

Idineklang fire out kaninang mag-aalas-diyes ng umaga ng Bureau of Fire Protection ang sunog na sumiklab sa may Atis St. Brgy. South Signal sa lungsod ng Taguig. Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga bumbero, hindi na ito kumalat sa iba pang kabahayan maliban sa isang bakery, sari-sari store at dalawang karinderya na nadamay sa… Continue reading Sanhi ng sunog sa South Taguig, inaalam na ng BFP

TESDA, binigyang diin ang kahalagahan ng papel ng LGU sa kanilang TECH-VOC training

Naniniwala si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Secretary Suharto T. Mangudadatu na malaki ang ginagampanang parte ng mga local government unit para maisakatuparan ang kanilang tech-voc training sa lebel ng komunidad. Ayon kay Mangudadatu ang ‘TESDA Sa Barangay’ ay maaaring maging strategic pathways para maisalin ang global aspirations ng United Nations… Continue reading TESDA, binigyang diin ang kahalagahan ng papel ng LGU sa kanilang TECH-VOC training

NHA, namahagi ng P9.1-M na tulong pinansyal sa mga biktima ng bagyong Odette sa Cebu

Patuloy ang pagkakaloob ng tulong ng National Housing Authority (NHA) sa mga pamilyang biktima ng kalamidad sa bansa. Kasama si Sen. Imee R. Marcos, pinangunahan ni NHA General Manager Joeben A. Tai ang pamamahagi ng kabuuang P9.1 milyong tulong pinansyal sa 1,837 pamilyang Cebuano na nawalan ng tirahan dahil sa Bagyong Odette sa Mandani Bay,… Continue reading NHA, namahagi ng P9.1-M na tulong pinansyal sa mga biktima ng bagyong Odette sa Cebu

Speaker Romualdez, ikinamangha ang dami ng mga Pilipino na handang lumaban para sa bansa

Hindi naitago ni Speaker Martin Romualdez ang pagkamangha sa resulta ng OCTA Research survey kung saan mayorya ng mga Pilipino ang nagsabing handa silang depensahan ang Pilipinas laban sa banta ng mga dayuhan. Batay sa Tugon ng Masa survey, na isinagawa mula Disyembre 10 hanggang 14, 2023, 77% sa 1,200 na respondent ang nagpahayag ng… Continue reading Speaker Romualdez, ikinamangha ang dami ng mga Pilipino na handang lumaban para sa bansa

BIR personnel na sangkot sa tampering ng Point of Sales-Cash Register Machines, mino-monitor ng BIR chief

Mahigpit nang binabantayan ng Bureau of Internal Revenue ang sindikato sa loob ng ahensya na nagta-tamper ng Point of Sales-Cash Register Machines (POS-CRM). Tiniyak ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr, na sinumang empleyado na masasangkot sa iregularidad ay masasampahan ng kasong kriminal at tatanggalin sa trabaho. Noong Mayo 2023, kinasuhan ni Lumagui ang isang BIR… Continue reading BIR personnel na sangkot sa tampering ng Point of Sales-Cash Register Machines, mino-monitor ng BIR chief

Dating Sen. Francis Pangilinan, kinasuhan ang mga kinatawan ng Google, Youtube sa Pilipinas at isang Youtube Channel

Kinasuhan ni dating Sen. Francis Pangilinan sa Department of Justice ng reklamong paglabag sa kasong libel kaugnay sa Cybercrime Prevention Act ang Youtube channel na Bungangera TV gayundin ang mga opisyal ng Google at Youtube sa Pilipinas Base sa complaint affidavit ni Pangilinan, Disyembre pa siya unang nakipag-ugnayan sa Google at Youtube pero walang ginawang… Continue reading Dating Sen. Francis Pangilinan, kinasuhan ang mga kinatawan ng Google, Youtube sa Pilipinas at isang Youtube Channel

9 NPA, sumuko dala ang 6 na armas sa CARAGA

Sabay-sabay na sumuko sa magkahiwalay na unit ng 901st “Fight Em” Brigade ang 9 na miyembro ng NPA sa Caraga Region nitong Sabado. Lima sa mga ito na mula sa Regional HQ (RHQ) ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) ang sumuko sa 29th Infantry Battalion sa Agusan del Norte kasabay ng pagsuko ng dalawang… Continue reading 9 NPA, sumuko dala ang 6 na armas sa CARAGA

Inisyatibong tutugon sa kakulangan ng representasyon ng mga kababaihan sa criminal justice sector, inilunsad sa QC

Katuwang ang Quezon City Government, Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights, at UN Women, inilunsad ngayon ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) ang inisyatibong #EmpowerHer: Advancing Women in/for Justice (Philippines). Pinangunahan nina UNODC Programme Country Manager Daniele Marchesi at QC Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad ng programa ngayong… Continue reading Inisyatibong tutugon sa kakulangan ng representasyon ng mga kababaihan sa criminal justice sector, inilunsad sa QC

PNP, kaisa ng muslim community sa pagsisimula ng Ramadan

Nagpaabot ng pakikiisa ang Philippine National Police (PNP) sa Muslim community kaalinsabay ng pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan. Sa pulong balitaan sa Kampo Crame kaninang umaga, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo na may mga karagdagan silang tauhan na ipakakalat sa mga mosque at masjid upang magbigay seguridad. Layon… Continue reading PNP, kaisa ng muslim community sa pagsisimula ng Ramadan

Pag-apruba ng BOI sa 41 proyekto sa ilalim ng Marcos admin, malaking tulong sa ekonomiya ng bansa

Pinuri ng isang mambabatas ang mabilis na pagproseso ng Board of Investments ng Department of Trade and Industry sa 41 foreign-funded projects sa ilalim ng administrasyong Marcos. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers lalo nitong palalakasin ang ekonomiya ng bansa lalo na sa gitna ng pagtaas ng inflation. “This is a welcome… Continue reading Pag-apruba ng BOI sa 41 proyekto sa ilalim ng Marcos admin, malaking tulong sa ekonomiya ng bansa