Halos 300 job employee ng Mandaluyong LGU, na-promote

Promoted na bilang casual employees ang nasa 293 o halos 300 job order employees ng Mandaluyong City Local Government Unit. Ito ang inanunsyo ngayon ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr. Paliwanag ni Abalos, alinsunod aniya sa batas ay makatatanggap ng mga benepisyo ang mga casual employee gaya ng umento sa suweldo, 13th Month Pay,… Continue reading Halos 300 job employee ng Mandaluyong LGU, na-promote

Metro Manila Council, nagpulong ngayong araw para talakayin ang desisyon ng SC sa usapin ng Single Ticketing System

Nagpulong ngayong araw ang Metro Manila Council (MMC) sa punong tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig City. Ito’y para talakayin ang naging desisyon ng Korte Suprema na kumikilala sa kapangyarihan ng MMDA na magpatupad ng Single Ticketing System sa pagpaparusa ng mga lumalabag sa batas trapiko. Nanguna sa nasabing pulong sina MMC… Continue reading Metro Manila Council, nagpulong ngayong araw para talakayin ang desisyon ng SC sa usapin ng Single Ticketing System

DILG, nakikiisa sa pagsisimula ng Ramadan

Nakikiisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG), kasama ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa buong Filipino Muslim community sa pagsisimula ng Holy Month of Ramadhan. Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na ang panahon ng Ramadhan ay buwan ng pag-aayuno at sumasalamin sa malalim na Islamic… Continue reading DILG, nakikiisa sa pagsisimula ng Ramadan

‘Green Economy Programme,’ inilunsad ng DENR at EU

Katuwang ang European Union (EU), isang programa ang inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para matugunan ang patuloy na hamon ng environmental degradation at climate change. Tinawag ang programang “Green Economy Programme for the Philippines” (GEPP) na layong mapabilis ang pag-transition ng bansa sa isang greener at sustainable economy. Punto ni Environment… Continue reading ‘Green Economy Programme,’ inilunsad ng DENR at EU

Nabayarang utang ng Pilipinas noong 2023 nasa ₱1.6-T — Bureau of Treasury

Umaabot na sa ₱1.6-trillion ang nabayarang utang ng Pilipinas noong 2023, nilagpasan nito ang target ng gobyerno na “debt  payment obligation.” Base sa datos ng Bureau of Treasury, mas mataas ito ng 24 percent kumpara sa ₱1.29-trillion  na binayaran ng Pilipinas noong 2022. Ayon sa Bureau of Treasury, ang debt service ng bansa ay umakyat… Continue reading Nabayarang utang ng Pilipinas noong 2023 nasa ₱1.6-T — Bureau of Treasury

Mga tsuper ng jeep sa Marcos Highway, Marikina City, bitin sa katiting na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo

Aminado ang ilang mga tsuper ng jeepney sa Marcos Highway sa Marikina City na bitin ang ipinatupad na katiting na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ng mga oil company ngayong araw. Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas, sinabi ni Mang Arman na welcome naman sa kanila sa tuwing magbabawas-presyo ang mga produktong petrolyo. Pero… Continue reading Mga tsuper ng jeep sa Marcos Highway, Marikina City, bitin sa katiting na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo

Pinakaunang gatas sa bansa na gawa sa pili nut, inilunsad ng DA-Bicol

Makasaysayan ang paglulunsad ng Department of Agriculture Bicol – Bureau of Agricultural Research sa pinakaunang gatas sa bansa na gawa sa pili-nut. Ayon sa DA Bicol, nagsimula ang paggawa at pag-aaral sa nasabing plant-based milk mula sa pili nut kernel noong March 2022 sa pangunguna ng Sorsogon Dairy Production and Technology Center (SDPTC) at pinondohan… Continue reading Pinakaunang gatas sa bansa na gawa sa pili nut, inilunsad ng DA-Bicol

Pagpapababa sa Documentary Stamp Tax sa Lotto, makatutulong para madagdagan ang Charity Fund ng PCSO

Naniniwala si AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes na mas maraming Pilipino ang matutulungan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung pabababain ang Documentary Stamp Tax (DST) sa Lottery tickets at Horse racing bets nito. Ani Reyes, kung papababain sa 10% mula sa kasalukuyang 20% ang DST ay madaragdagan ang pondo ng PCSO para sa kanilang… Continue reading Pagpapababa sa Documentary Stamp Tax sa Lotto, makatutulong para madagdagan ang Charity Fund ng PCSO

Presyo ng special at premium na bigas, bahagyang bumaba nitong Pebrero — PSA

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa wholesale price ng bigas nitong Pebrero. Ayon sa PSA, bumaba sa ₱54.21 ang average na kada kilo ng premium rice noong nakaraang buwan, kumpara sa ₱54.52 na kada kilong bentahan nito noong Enero. Bumaba rin sa ₱55.14 kada kilo ang average wholeprice ng special rice… Continue reading Presyo ng special at premium na bigas, bahagyang bumaba nitong Pebrero — PSA

Muslim gov’t workers, maaaring i-adopt ang flexible working hours ngayong panahon ng Ramadan — CSC

Sa opisyal na pagsisimula ng buwan ng pag-aayuno ng mga kapatid nating Muslim, pinayuhan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga Muslim government workers na i-adopt ang flexible working hours ngayong panahon ng Ramadan. Ito ay alinsunod na rin sa polisiya sa FWA sa pamahalaan na nakapaloob sa CSC Memorandum Circular No. 06, s. 2022.… Continue reading Muslim gov’t workers, maaaring i-adopt ang flexible working hours ngayong panahon ng Ramadan — CSC