ARAL Program, pinagtibay sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Sa pamamagitan ng viva voce voting ay pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 8210 o Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL Program. Ang ARAL Program ang magiging national academic intervention program ng pamahalaan para mapalakas pa ang ating edukasyon. Sa kanyang sponsorship speech, tinukoy ni House Committee on Basic Education… Continue reading ARAL Program, pinagtibay sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Ilang opisyal ng NFA, kinastigo ni Sen. Raffy Tulfo sa pagkakasangkot sa iligal na bentahan ng bigas

Kinastigo ni Senador Raffy Tulfo ang mga suspendidong opisyal ng National Food Authority (NFA) na sangkot sa iligal na pagbebenta ng bigas sa mga trader. Sa isang privilege speech, pinangalanan ni Tulfo ang mga lumulutang na pangalan ng NFA officials na sina Alwin Uy, Charles Alingod, Max Torda, isang ‘Navarro’, at si NFA Administrator Roderico… Continue reading Ilang opisyal ng NFA, kinastigo ni Sen. Raffy Tulfo sa pagkakasangkot sa iligal na bentahan ng bigas

DMW, kumpiyansang magiging matagumpay ang retrieval ops sa 3 nasawi sa pag-atake ng Houti rebels sa Gulf of Aden kabilang na ang 2 Pilipino

Tiwala ang Department of Migrant Workers (DMW) na magiging matagumpay ang nagpapatuloy na retrieval operations sa tatlong crew members ng cargo vessel na “True Confidence” matapos ang naging pag-atake ng Houti rebels sa Gulf of Aden kamakailan. Ayon kay DMW Officer-In-Charge, Undersecretary Hans Leo Cacdac, dalawa kasi sa tatlong crew members ng naturang barko ay… Continue reading DMW, kumpiyansang magiging matagumpay ang retrieval ops sa 3 nasawi sa pag-atake ng Houti rebels sa Gulf of Aden kabilang na ang 2 Pilipino

PNP, nagpasalamat sa Kongreso sa mga inisyatiba nito upang ireporma ang kanilang hanay

Tiniyak ngayon ng Philippine National Police (PNP) na lalo pa nilang mapagbubuti ang pagbibigay serbisyo sa mga Pilipino. Ito’y makaraang ihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga inisyatibang ginagawa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso para suportahan ang mga layunin ng Pambansang Pulisya. Sa isinagawang Alumni Homecoming ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa… Continue reading PNP, nagpasalamat sa Kongreso sa mga inisyatiba nito upang ireporma ang kanilang hanay

Eroplanong sinasakyan ng Philippine delegation, lumapag na sa Berlin Brandenburg Int’l Airport, para sa pagsisimula ng Working Visit ni PBBM sa Germany

Eksakto 4:48 ng madaling araw, March 12, sa Pilipinas, lumapag sa Berlin Brandenburg International Airport ang PR 001 o ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa tatlong araw na working visit sa Berlin, Germany. Tumagal ng higit 13 oras, ang naging biyahe ng Pangulo, mula nang lumipad ang PR 001 pasado… Continue reading Eroplanong sinasakyan ng Philippine delegation, lumapag na sa Berlin Brandenburg Int’l Airport, para sa pagsisimula ng Working Visit ni PBBM sa Germany

PNP Anti-Cybercrime Group, pinag-iingat ang publiko sa “hijack profile scam”

Pinag-iingat ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang publiko sa paglaganap ng “hijack profile scam” o “online identity theft.” Ayon kay ACG Director Police Major General Sydney Sultan Hernia, nakapagtala ang ACG ng 178 na kaso ng “hijack profile scam” mula Nobyembre 2023 hanggang Pebrero 2024. Ayon kay Hernia, 89 na kaso ang… Continue reading PNP Anti-Cybercrime Group, pinag-iingat ang publiko sa “hijack profile scam”

AFP Chief sa mga mamamayan: Maghanda sa anumang banta

Mahalagang maghanda ang mga mamamayan, kasabay ng pahahanda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa anumang panloob at panlabas na banta. Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa isang kalatas kaugnay ng resulta ng OCTA Research Survey kung saan lumabas na 77 porsyento ng mga Pilipinong nasa… Continue reading AFP Chief sa mga mamamayan: Maghanda sa anumang banta