Index crime, bumaba ng mahigit 21% mula Enero hanggang Marso

Patuloy ang pagbaba ng insidente ng krimen sa buong bansa. Iniulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na bumaba ng 21.68% ang mga insidente ng index crime mula Enero hanggang Marso sa taong kasalukuyan kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon. Base sa datos ng PNP, 5,939 insidente ang iniulat… Continue reading Index crime, bumaba ng mahigit 21% mula Enero hanggang Marso

Pamahalaang Lungsod ng Pasay, may handog na trabaho sa mga residente nito

Inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang mga residente nito na makiisa sa panibagong job fair sa lungsod. Gaganapin ito bukas, Marso 14, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon kung saan gagawin ito sa opisina ng Public Employment Service Office, sa ikatlong palapag ng Pasay City hall. Kaisa sa naturang job fair ang… Continue reading Pamahalaang Lungsod ng Pasay, may handog na trabaho sa mga residente nito

34,000 pulis, ide-deploy ng PNP para sa Oplan SumVac

Isinasapinal na ng PNP ang paghahanda para sa kanilang Oplan Summer Vacation (SUMVAC). Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, 34,000 pulis ang kanilang ide-deploy sa iba’t ibang panig ng bansa para sa seguridad ng mga bakasyonista aT turista. Tututukan aniya ng mga pulis ang mga major transportation terminals, areas of… Continue reading 34,000 pulis, ide-deploy ng PNP para sa Oplan SumVac

Special satellite registration para sa seniors at PWDs, binuksan sa QC

Inilunsad ngayon ng Commission on Elections ang kauna-unahang special satellite registration para sa senior citizens at person with disability sa lungsod Quezon. Pinangunahan mismo ni Comelec Chair George Erwin Garcia at National Commission for Senior Citizens Head Atty. Franklin Quijano ang pagbubukas ng satellite registration sa National Vocational Rehabilitation Center sa Project 4, QC. Agad… Continue reading Special satellite registration para sa seniors at PWDs, binuksan sa QC

DepEd, ipinauubaya na sa pamunuan ng mga paaralan ang pagsususpinde ng klase dahil sa mainit na panahon

Ipinauubaya na ng Department of Education (DepEd) sa mga opisyal ng paaralan ang pagpapasya kung sususpindihin ang klase dahil na rin sa mainit na panahon. Ayon kay Education Asec. Francis Bringas, wala namang itinakdang antas ng temperatura para gamiting batayan sa suspensyon ng klase. Kaya naman, dedepene na ito sa pagtaya o assessment ng mga… Continue reading DepEd, ipinauubaya na sa pamunuan ng mga paaralan ang pagsususpinde ng klase dahil sa mainit na panahon

Presyo ng bigas sa Agora Public Market sa San Juan City, nananatiling matatag sa harap ng pagbaba ng presyo nito

Nananatiling matatag ang presyuhan ng bigas sa Agora Public Market sa San Juan City. Ito’y dahil bukod sa panahon ng anihan ng mga lokal na bigas, patuloy din sa pagdating ang mga imported o inangkat na bigas. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nananatili sa P50 hanggang P52 kada kilo ang presyo ng pinakamurang well-milled rice.… Continue reading Presyo ng bigas sa Agora Public Market sa San Juan City, nananatiling matatag sa harap ng pagbaba ng presyo nito

Ilang kongresista, hati ang opinyon sa pagmamay-ari ng mga sibilyan ng semi-automatic rifle

Hati ang pananaw ng ilang mga kongresista kaugnay sa pagmamay-ari ng mga sibilyan ng semi-automatic rifle. Kaugnay ito sa inamyendahang Rules and Regulations (IRR) ng Philippine National Police (PNP) ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Aminado si Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Repeesentative Zia Alonto Adiong na wala siyang hilig sa mga… Continue reading Ilang kongresista, hati ang opinyon sa pagmamay-ari ng mga sibilyan ng semi-automatic rifle

MMDA, tumanggap ng mga donasyong tubig, water purifiers para makatulong sa mga enforcer na nabibilad sa araw

Sagot na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pamatid uhaw ng mga field worker nito gaya ng traffic enforcer na kadalasang babad sa init ng araw. Kasunod ito ng pagtanggap ng MMDA ng mga donasyong tubig at water purifiers mula sa water concessionaires na Maynilad at Manila Water, habang ion supply drink naman… Continue reading MMDA, tumanggap ng mga donasyong tubig, water purifiers para makatulong sa mga enforcer na nabibilad sa araw

Dagdag pang impormasyon sa napaulat na mga aberya sa Miru, pinakakalap ng mga mambabatas sa COMELEC

Pinayuhan ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang Commission on Elections (COMELEC) na mangalap pa ng dagdag na mga impormasyon, kaugnay sa napaulat na korapsyon at malfunction sa mga eleksyon kung saan ginamit ang Miru Systems. Ang Miru ang bagong service provider na kinontrata ng COMELEC para sa 2025 Automated Mid-term Elections. Lubhang nababahala… Continue reading Dagdag pang impormasyon sa napaulat na mga aberya sa Miru, pinakakalap ng mga mambabatas sa COMELEC

DFA, iginiit na labag sa batas ng Pilipinas at int’l law ang proposal ng China hinggil sa usapin ng West Philippine Sea

Matapos ngang ikagulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang balita na isinapubliko ng China ang mga napag-usapan nito at ng Pilipinas sa kanilang mga bilateral meeting, ay minabuti na ng DFA na linawin ang ilang isyu hinggil dito. Ayon sa DFA, totoong may proposal papers silang natanggap mula sa China hinggil sa usapin ng… Continue reading DFA, iginiit na labag sa batas ng Pilipinas at int’l law ang proposal ng China hinggil sa usapin ng West Philippine Sea