600 beneficiaries ng AICS Program ng DSWD sa Malabon City, nabigyan ng tulong pinansyal

Umarangkada na ang pay-out para sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Malabon City. Ang AICS Program ay layong makapagbigay ng tulong sa mga Pilipinong nangangailangan at biktima ng sakuna at kalamidad. Pinangunahan nina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at Senator… Continue reading 600 beneficiaries ng AICS Program ng DSWD sa Malabon City, nabigyan ng tulong pinansyal

Libreng mammogram at breast ultrasound sa mga kababaihang miyembro ng PhilHealth, aprubado na ng PhilHealth Board

Inanunsyo ni Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo na posibleng mapapaaga ang pagpapatupad ng libreng mammogram at ultrasound para sa mga kababaihang miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Matatandaan na sa pulong ni Speaker Martin Romualdez, Tulfo at PhilHealth kamakailan ay nangako si PhilHealth President Emmanuel Ledesma na handa nilang ipatupad ang request… Continue reading Libreng mammogram at breast ultrasound sa mga kababaihang miyembro ng PhilHealth, aprubado na ng PhilHealth Board

PCG, target ang zero maritime casualty sa paggunita ng Semana Santa 2024

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng mga operating unit ng Philippine Coast Guard (PCG) na inaasahang naka-heightened alert simula sa March 23 hanggang April 3 para sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 ng Department of Transportation. Ayon kay PCG Coast Guard Admiral Ronnie Gil Gavan, binigyang direktiba na niya ang lahat ng distrito, istasyon, at… Continue reading PCG, target ang zero maritime casualty sa paggunita ng Semana Santa 2024

Mga babaeng reservist sa Batanes, pinahalagahan ng PH Navy sa pagdiriwang ng Women’s Month

Pinahalagahan ng Philippine Navy ang papel ng mga babaeng reservist sa Batanes sa pagdiriwang ng Women’s Month, ngayong Marso. Ayon kay Phil. Navy Public Affairs Office Chief Commander John Pierce Alcos, committed ang Phil. Navy na i-empower at suportahan ang kababaihan sa kanilang “pursuit of excellence”. Patunay aniya nito ang 12 babae na kabilang sa… Continue reading Mga babaeng reservist sa Batanes, pinahalagahan ng PH Navy sa pagdiriwang ng Women’s Month

House Appropriations panel chair, umaasa na magkaroon na rin ng medical tourism sa Pilipinas

Umaasa si House Appropriations Committee Chairperson at AKO BICOL Party-list Representative Elizaldy Co na mapalakas na rin ng Pilipinas ang medical tourism nito kasunod ng pagbubukas ng isa na namang specialty hospital. Kamakailan lang nang pasinayaan ang Philippine Cancer Center sa Quezon City na magsisilbing pangunahing ospital at research center para tugunan ang sakit na… Continue reading House Appropriations panel chair, umaasa na magkaroon na rin ng medical tourism sa Pilipinas

Sec. Galvez, nagpasalamat sa Senate concurrence sa amnesty proclamation ng Pangulo

Pinasalamatan ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang Senado sa kanilang ‘concurrence’ sa Amnesty Proclamation ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga dating rebelde. Ito’y matapos sang-ayunan ng Senado kahapon ang Presidential Proclamation 404 na nagkakaloob ng amnestiya sa mga dating miymebro ng Communist Party of the Philippine-New People’s Army-National Democratic Front… Continue reading Sec. Galvez, nagpasalamat sa Senate concurrence sa amnesty proclamation ng Pangulo

DICT, target na mapalawak pa ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng eGOV PH Super app

Umaasa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na mas lalawak pa ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng eGov PH Super App. Sa isinagawang 2024 Regional Roadshow ng DICT sa Pampanga, ibinida ni DICT Usec. David Almirol Jr. ang dumaraming serbisyong nakapaloob sa eGov na maaaring mapakinabangan ng publiko. Nagsisilbi na itong one… Continue reading DICT, target na mapalawak pa ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng eGOV PH Super app

Lalaking lumabag sa ‘Safe Spaces Act’, inaresto ng ACG

Inaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang maintanance crewman dahil sa paglabag sa ‘Safe Spaces Act’, at ‘Violence against Women and Children (VAWC) Act’. Kinilala ni ACG Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo ang suspek na si Patrick Contreras Bocalbos, 23, residente ng Dasamariñas, Cavite, na nahuli kagabi sa entrapment operation ng Regional… Continue reading Lalaking lumabag sa ‘Safe Spaces Act’, inaresto ng ACG

Libong trabaho, malilikha dahil sa pagbisita ni PBBM sa Germany at Czech Republic

Benepisyo para sa mga Pilipino ang resulta ng mga pagbiyahe ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Germany at Czech Republic. Ito ang binigyang diin ni Speaker Martin Romualdez na kasama sa official delegation ng punong ehekutibo. Taliwas aniya sa sinasabi ng ilan na namamasyal lang si PBBM sa kaniyang foreign trips, sinabi ng House… Continue reading Libong trabaho, malilikha dahil sa pagbisita ni PBBM sa Germany at Czech Republic

Kauna-unahang regional roadshow ng DICT, umarangkada na

Nagsimula na ang kauna-unahang regional roadshow ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ngayong 2024. Pinangunahan ni DICT Sec. Ivan John Uy at ilan pang opisyal ng ahensya ang pagbubukas ng dalawang araw na roadshow sa National University Clark sa Pampanga. Tinawag itong Bayang Digital ang Bagong Pilipinas: DICT Regional Roadshow 2024 kung saan… Continue reading Kauna-unahang regional roadshow ng DICT, umarangkada na