Presyo ng bigas sa Kalentong Market sa Mandaluyong City, bumaba pa sa ₱45/kilo

Patuloy pa nga ang pagbaba ng presyo ng bigas sa mga pamilihan sa Metro Manila. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City, mayroon nang nagtitinda ng P45 kada kilo ng regular-milled rice. Ayon sa ilang nagtitinda ng bigas, ito’y dahil sa patuloy ang pagdagsa ng suplay ng bigas, ito ma’y… Continue reading Presyo ng bigas sa Kalentong Market sa Mandaluyong City, bumaba pa sa ₱45/kilo

‘El Niño Portal’, ilulunsad ng Pangulo

Inanunsyo ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang nalalapit na paglulunsad ng ‘El Niño Portal’ na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang anunsyo ay ginawa ng kalihim sa kanyang pagbisita sa Camp O’Donnel sa Capas, Tarlac kamakalawa. Ayon kay Sec. Teodoro, ang ‘El Niño portal’ ay bahagi ng komprehensibong pagtugon ng… Continue reading ‘El Niño Portal’, ilulunsad ng Pangulo

MRT-3, tigil-operasyon sa Holy Week

Inilabas na ng Department of Transportation (DOTr) ang iskedyul ng MRT-3 sa darating na Mahal na Araw. Sa abiso ng MRT management, suspendido ang operasyon ng tren mula Huwebes Santo, March 28 hanggang Linggo ng Pagkabuhay o March 31. Ito ay para magbigay-daan sa isasagawang taunang maintenance activites tuwing Mahal na Araw. Mananatili naman ang… Continue reading MRT-3, tigil-operasyon sa Holy Week

Bentahan ng mangga sa mga pamilihan, nag-uumpisa nang sumigla ngayong papasok na ang panahon ng tag-init

Sumisigla na ang bentahan ngayon ng mangga sa mga pamilihan lalo’t isa ito sa paboritong panghimagas ng mga Pilipino. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa iba’t ibang pamilihan sa silangang bahagi ng Metro Manila, naglalaro ang presyo ng mangga mula P80 hanggang P120 ang kada kilo. Ayon sa ilang mga magpu-prutas, nagsisimula nang dumami ang… Continue reading Bentahan ng mangga sa mga pamilihan, nag-uumpisa nang sumigla ngayong papasok na ang panahon ng tag-init

Gobernador ng Laguna at Batangas, pinatatawag sa Kamara sa imbestigasyon ng operasyon ng illegal gambling

Pinahaharap sa House Committee on Public Order and Safety sina Laguna Governor Ramil Hernandez at Batangas Governor Hermilando Mandanas matapos lumabas sa pagdinig ng komite na nangunguna ang kanilang nga lalawigan sa may pinakamaraming pasugalan sa CALABARZON o Region 4-A. Si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang humiling na imbitahan ang dalawang gobernador sa… Continue reading Gobernador ng Laguna at Batangas, pinatatawag sa Kamara sa imbestigasyon ng operasyon ng illegal gambling

Mga alituntunin sa pagtitipon ng ebidensya at pagbuo ng kaso ng online sexual harassment, inilunsad ng DOJ

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) na pangunahan ang pagbuo ng mga protocol at pamantayan para sa mga kaso ng online sexual harassment. Kung kaya’t nakipagtulungan ang DOJ sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas upang magtatag ng malinaw na mga pamamaraan para sa pagtanggap ng mga reklamo, pagtugon sa mga insidente, at pagkolekta ng ebidensya.… Continue reading Mga alituntunin sa pagtitipon ng ebidensya at pagbuo ng kaso ng online sexual harassment, inilunsad ng DOJ

Pagsuspinde sa chairperson ng Komisyon sa Wikang Filipino, hinarang ng Court of Appeals 

Pinaboran ng Special Division ng Court of Appeals ang apela ng chairperson ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na harangin ang Suspension Order na inilabas ng mga commissioner nito.  Sa desisyon ng 7th Division ng Commission on Appointments (CA), hinarang nito ang pagpapatupad sa Suspension Order laban kay KWF Chairperson Arthur Casanova.  Ayon sa CA,… Continue reading Pagsuspinde sa chairperson ng Komisyon sa Wikang Filipino, hinarang ng Court of Appeals 

US Secretary of State, muling bibisita sa Pilipinas

Nakatakdang bumisita si US Secretary of State Anthony Blinken sa bansa sa March 18 hanggang 19.  Sasalubungin si Blinken ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kung saan inaasahang pag-uusapan ng dalawa ang bilateral ties at mga commitment nito sa isa’t isa para mapalakas ang interes ng dalawang bansa.  Ilan sa mga pag-uusapan ay tungkol sa… Continue reading US Secretary of State, muling bibisita sa Pilipinas

Pagpapatupad ng assistance to older persons, inilipat na ng DSWD sa NCSC

Pormal nang inilipat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang implementasyon ng Assistance to Older Persons (ATOP). Kasunod ito ng paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at NCSC Chairperson Atty. Franklin Quijano kung saan pormal na nailipat ang tungkulin at pondo… Continue reading Pagpapatupad ng assistance to older persons, inilipat na ng DSWD sa NCSC

Higit 140km ng mga luma at tumatagas na pipeline, napalitan na ng Maynilad

Umabot sa 143 kilometro ng luma at tumatagas na pipelines ang napalitan ng west zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) noong nakaraang taon. Ayon sa Maynilad, katumbas ito ng tinatayang 33 MLD (million liters per day) ng potable water supply na na-recover ng kumpanya. Karamihan sa mga pipeline na ito ay matatagpuan sa… Continue reading Higit 140km ng mga luma at tumatagas na pipeline, napalitan na ng Maynilad