DA, nakapamahagi na ng halos ₱380-M halaga ng tulong sa mga apektadong magsasaka ng El Niño

Pumalo na sa halos ₱380 milyon ang naipaabot na tulong ng Department of Agriculture sa mga magsasakang tinamaan ng El Niño. Ayon kay DA Spox Asec. Arnel de Mesa, kasama sa naipamahaging tulong ng kagawaran ang high-value crops na nagkakahalaga ng P900,000 sa mga apektadong magsasaka sa Iloilo at Negros Occidental. Namahagi na rin ang… Continue reading DA, nakapamahagi na ng halos ₱380-M halaga ng tulong sa mga apektadong magsasaka ng El Niño

Susunod na PNP chief, manunungkulan sa Marso 27

Pormal na manunungkulan ang magiging kapalit ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa Marso 27. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, sa naturang petsa isasagawa ang Change of Command ceremony para sa magiging susunod na PNP Chief bago magwakas ang term-extension ni Gen. Acorda sa Marso 31. Inaantabayanan… Continue reading Susunod na PNP chief, manunungkulan sa Marso 27

Krimen na may kinalaman sa POGO, patuloy sa pagbaba — Pasay police

Kinumpirma ni Pasay Chief of Police P/ Col. Mario Mayames na patuloy ang pagbaba ng ‘crime incident’ na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa lungsod ng Pasay. Paliwanag nito, siya na mismo ang umiikot at naglatag ng programa sa mga POGO operator at nakikipagkaibigan sa lahat ng ligal na POGO sa Pasay… Continue reading Krimen na may kinalaman sa POGO, patuloy sa pagbaba — Pasay police

₱170-B PPP agreement sa NAIA, makatutulong sa pagpapabuti ng pasilidad, turismo at ekonomiya ng Pilipinas — Speaker Romualdez

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang pagkakalagda sa makasaysayang P170.6 billion Public-Private Partnership (PPP) concession agreement para sa rehabilitasyon at operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Isa si Romualdez sa mga sumaksi, kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pirmahan sa pagitan nina San Miguel Corporation President and CEO Ramon Ang, Transportation Secretary… Continue reading ₱170-B PPP agreement sa NAIA, makatutulong sa pagpapabuti ng pasilidad, turismo at ekonomiya ng Pilipinas — Speaker Romualdez

Tulong para sa mga nasunugan sa Muntinlupa, nakahanda na

Kasado na ang tulong mula sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa para sa mga residente na apektado ng sunog na sumiklab kahapon, ika-17 ng Marso. Ayon kay Christine Abas Ding, barangay captain ng naturang lugar, nakahanda na ang city government para umalalay sa mga naapektuhan ng sunog kahapon. Aniya, bukod sa hot meals ay nagdagdag din… Continue reading Tulong para sa mga nasunugan sa Muntinlupa, nakahanda na

Rep. Camille Villar, hinimok ang mga babaeng sundalo na patuloy na ipaglaban ang gender equality

Kinilala ni House Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga babaeng sundalo hindi lang sa pagbabantay ng kapayapaan at seguridad sa bansa sa gitna ng hamon ng gender equality. Sa talumpati ng mambabatas sa opening ceremony ng pagdiriwang ng National Women’s Month ng 2nd Infantry Division ng… Continue reading Rep. Camille Villar, hinimok ang mga babaeng sundalo na patuloy na ipaglaban ang gender equality

Presyo ng sibuyas sa Agora Public Market sa San Juan City, nananatiling matatag

Nananatiling matatag ang presyo ng sibuyas sa Agora Public Market sa San Juan City kasunod na rin ng pahayag ng Department of Agriculture (DA) na bumaba na ang farm gate price nito. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nananatili sa ₱80/kg ang sibuyas na pula, habang nasa ₱70/kg naman ang presyo ng sibuyas na puti. Ito’y… Continue reading Presyo ng sibuyas sa Agora Public Market sa San Juan City, nananatiling matatag

QCPD, nakarekober ng 19 na motor at sasakyang kinarnap; 3 carnapping syndicates, nalansag

Iprinisenta ngayon ng Quezon City Police District ang nasa 19 na sasakyan at mga motorsiklong narekober nito sa pinaigting na anti-canapping operations sa lungsod. Ayon kay QCPD Chief PBGen. Red Maranan, karamihan sa mga ito ay biktima ng rent-tangay modus. Sa pangunguna ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ay tatlong carnappjng syndicates rin ang nalansag ng… Continue reading QCPD, nakarekober ng 19 na motor at sasakyang kinarnap; 3 carnapping syndicates, nalansag

2 magkasunod na taon ng mababang FDI inflow, sapat na dapat na dahilan para ipasa ng Senado ng Economic Cha-Cha

Umaasa ang isang mambabatas na sapat nang dahilan para makumbinsi ang mga senador na pagtibayin na ang EconomicCharter Change sa naitalang dalawang taong pagbaba sa foreign direct investment (FDI) sa Pilipinas. Ayon kay Camarines Sur Representative LRay Villafuerte, bagamat nakabawi na ang ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic ay mababa naman ang… Continue reading 2 magkasunod na taon ng mababang FDI inflow, sapat na dapat na dahilan para ipasa ng Senado ng Economic Cha-Cha

Philippine Coast Guard, naka-heightened alert simula Marso 24

Ilalagay ng Philippine Coast Guard sa heightened alert ang kanilang buong hanay simula March 24, araw ng Sabado. Bahagi ito ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 ng Department of Transportation na layong masigurong walang maitatalang insidente sa mga biyahero. Sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, layunin ng pagtataas ng alerto ay para… Continue reading Philippine Coast Guard, naka-heightened alert simula Marso 24