DOE, may panawagan sa mga oil company at bibiyahe ngayong panahon ng Semana Santa

Hinimok ng Energy Department ang mga oil company ngayong panahon ng Semana Santa na makilahahok sa pakikipagtulungan sa mga motoristang bibiyahe sa kani-kanilang mga probinsya ngayong panahon ng Semana Santa. Ilan sa panawagan ng kagawaran ay ang pagtitiyak na may sapat na suplay ng langis sa mga oil station at pagpapalawak ng oras ng serbisyo… Continue reading DOE, may panawagan sa mga oil company at bibiyahe ngayong panahon ng Semana Santa

Kaligtasan ng mga mananampalataya ngayong Semana Santa, tiniyak ng DILG

Sinisiguro ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mananampalataya ngayong panahon ng Kuwaresma.  Sa kanyang mensahe para sa Semana Santa 2024, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na halos 35,000 pulis ang ikinalat sa matataong lugar gaya ng mga simbahan, pilgrim site,… Continue reading Kaligtasan ng mga mananampalataya ngayong Semana Santa, tiniyak ng DILG

Dati at active OFWs na mula CARAGA region at mga anak nito, pinagkalooban ng tulong pinansyal

Pinagkalooban ng financial assistance at scholarship funds ang mga dating overseas Filipino workers (OFWs) at mga anak ng active OFWs mula sa CARAGA region. Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, ang bigay na benepisyo ay mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na attached agency ng DMW. Kabuuang 30 dating… Continue reading Dati at active OFWs na mula CARAGA region at mga anak nito, pinagkalooban ng tulong pinansyal

QC LGU, pinalakas ang Contact Tracing sa kaso ng pertussis sa lungsod

Pinaiigting na ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit ang Contact Tracing sa mga kaso ng pertussis sa lungsod. Ito’y matapos magdeklara ng outbreak ang pamahalaang lungsod dahil sa pag-usbong ng nasabing sakit. Bahagi ng Contact Tracing ang case investigation upang matukoy ang iba pang indibidwal na nakasalamuha ng cofirmed case. Sa sandaling kakitaan ng… Continue reading QC LGU, pinalakas ang Contact Tracing sa kaso ng pertussis sa lungsod

Mga mananampalatayang Katoliko. patuloy sa pagdagsa sa mga simbahan sa Maynila ngayong Linggo ng Palaspas

Patuloy ang pagdagsa ng mga mananampalatayang Katoliko sa iba’t ibang simbahan sa Maynila ngayong araw, Linggo ng Palaspas, upang gunitain ang pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem bago ang kanyang kalbaryo. Sa Simbahan ng Quiapo, aabot hanggang Plaza Miranda ang mga mananampalataya na nakikiisa sa misa ngayong araw. kung hindi sa Plaza Miranda ay mga may… Continue reading Mga mananampalatayang Katoliko. patuloy sa pagdagsa sa mga simbahan sa Maynila ngayong Linggo ng Palaspas

28 libong barangay sa bansa, idineklara nang drug-free – DILG

Ibinida ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr ang pagdeklara bilang drug free ng 28,000 barangay sa bansa. Sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program, umabot na ng 95,790 drug users ang naaresto at Php21-Billion halaga ng illegal drugs ang nakumpiska. Nagawa ito sa loob ng 75,831 drug operations ng law enforcement agencies sa… Continue reading 28 libong barangay sa bansa, idineklara nang drug-free – DILG

BI, nagbigay ng babala sa publiko laban sa mga scammer na target ang mga biyahero ngayong Holy Week

Pinag-iingat ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko laban sa mga scammer na target ang mga biyahero ngayong panahon ng Semana Santa. Ayon sa BI, ilan sa mga nasabing scammers ay nag-o-operate ng mga pekeng website at nanghihingi ng bayad para sa registration sa eTravel. Ilan sa mga pekeng e-travel website ay naniningil mula sa… Continue reading BI, nagbigay ng babala sa publiko laban sa mga scammer na target ang mga biyahero ngayong Holy Week

PhilSys, binuksan na ang Philsys registration sa mga batang may edad 1-4 taong gulang

Pinapayagan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mairehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) ang mga batang may edad isa hanggang apat na taong gulang. Ang hakbang na ito ng PSA ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na irehistro ang mas maraming Pilipino sa PhilSys, kabilang ang mga menor de edad. Hinihikayat ni PSA Undersecretary… Continue reading PhilSys, binuksan na ang Philsys registration sa mga batang may edad 1-4 taong gulang

DOH, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng namayapang Mental Health advocate na si Dr. Gia Sison

Ipinaaabot ng Department of Health (DOH) ang pakikiramay nito sa pamilya at mga kaibigan ng namayapang mental health advocate at kilalang doktor na si Dr. Gia Sison. Sa pahayag ni DOH Secretary Teodoro Herbosa, pinasalamatan nito ang mga ambag ni Dr. Sison sa pagkilos nito tungo sa ginhawa ng isip at damdamin. Dagdag pa ng… Continue reading DOH, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng namayapang Mental Health advocate na si Dr. Gia Sison

Biyahe sa Edsa Carousel, magpapatuloy ngayong Semana Santa – DOTR

Tiniyak ng Department of Transportation (DOT) na magtuloy-tuloy ang biyahe ng mga bus sa Edsa Carousel 24/7 ngayong Semana Santa. Ayon sa DOTR, layon nito upang may masakyan ang publiko mula sa Monumento sa Caloocan hanggang PITX sa Parañaque. Partikular ang mga bibiyahe patungo ng mga terminal o simbahan. Bagamat walang operasyon ang MRT-3 simula… Continue reading Biyahe sa Edsa Carousel, magpapatuloy ngayong Semana Santa – DOTR