Apat na matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang binalasa bago ang nakatakdang pagreretiro ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa March 31.
Sa kautusan na may petsang March 26, itinalaga bilang direktor ng Civil Security Group (CSG) ang dating direktor ng Directorate for Information and Communication Technology Management (DICTM) Major General Neil Alinsañgan.
Pinalitan niya si Police Major General Benjamin Sil, na itinalaga namang direktor ng Area Police Command-Eastern Mindanao (APC-EM).
Si Brigadier General Alan Nobleza, Regional Director ng Police Regional Office in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM), ang papalit kay Major General Alinsañgan bilang direktor ng DICTM.
Habang si Brigadier General Prexy Tanggawohn, direktor ng Communications and Electronics Service, ang uupo naman bilang bagong Regional director ng PRO BARMM kapalit ni Nobleza. | ulat ni Leo Sarne